Add parallel Print Page Options

19 At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: (A)sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.

Read full chapter

13 At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte, (A)Sapagka't sinakop ng Israel ang aking lupain, nang siya'y umahong galing sa Egipto, mula sa Arnon hanggang sa (B)Jaboc, at hanggang sa Jordan: kaya't ngayo'y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon.

14 At nagsugo uli si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon:

15 At kaniyang sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Jephte, Hindi sumakop ang (C)Israel ng lupain ng Moab, o ng lupain ng mga anak ni Ammon;

16 Kundi nang sila'y umahon mula sa Egipto, at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula, at (D)napasa Cades:

17 (E)Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom, na nagsasabi, Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain: nguni't hindi dininig ng hari sa Edom. (F)At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab; nguni't ayaw siya: at ang Israel ay (G)tumahan sa Cades:

18 Nang magkagayo'y naglakad sila sa ilang, at (H)lumiko sa lupain ng Edom, at sa lupain ng Moab, (I)at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab, (J)at sila'y humantong sa kabilang dako ng Arnon; nguni't hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab, sapagka't ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab.

19 At (K)nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na hari sa Hesbon; at sinabi ng Israel sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako.

20 Nguni't si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan: kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at humantong sa Jaas, at lumaban sa Israel.

21 At ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel si Sehon, at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel, (L)at sinaktan nila sila: sa gayo'y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo, na mga taga-roon sa lupaing yaon.

22 (M)At kanilang inari ang buong hangganan ng mga Amorrheo, mula sa Arnon hanggang sa Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Jordan.

23 Ngayon nga'y inalisan ng ari ng Panginoon, ng Dios ng Israel ang mga Amorrheo sa harap ng bayang Israel, at iyo bang aariin ang mga iyan?

24 (N)Hindi mo ba aariin ang ibinigay sa iyo ni Chemos na iyong dios upang ariin? Sinoman ngang inalisan ng ari ng Panginoon naming Dios sa harap namin, ay aming (O)aariin.

25 (P)At ngayo'y gagaling ka pa ba sa anomang paraan kay Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab? siya ba'y nakipagkaalit kailan man sa Israel o lumaban kaya sa kanila?

26 Samantalang ang Israel ay tumatahan sa (Q)Hesbon at sa mga bayan nito, at sa (R)Aroer at sa mga bayan nito, at sa lahat ng mga bayang nangasa tabi ng Arnon, na (S)tatlong daang taon; bakit hindi ninyo binawi nang panahong yaon?

27 Ako nga'y hindi nagkasala laban sa iyo, kundi ikaw ang gumawa ng masama sa pakikidigma mo sa akin: ang Panginoon, (T)ang Hukom, ay maging hukom sa araw na ito sa mga anak ni Israel at sa mga anak ni Ammon.

28 Nguni't hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya.

Ang pananagumpay ni Jephte at ang kaniyang panata.

29 Nang magkagayo'y ang (U)Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte, at siya'y nagdaan ng Galaad at Manases, at nagdaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon.

30 At nagpanata si Jephte ng isang (V)panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay,

31 Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay (W)magiging sa Panginoon, (X)at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin.

32 Sa gayo'y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila; at sila'y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay.

33 At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa (Y)Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel.

34 (Z)At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang (AA)anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng (AB)pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.

35 At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang (AC)hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at (AD)hindi na ako makapanumbalik.

36 At sinabi niya sa kaniya, Ama ko, iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Ammon.

37 At sinabi niya sa kaniyang ama, Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin: pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan, upang ako'y humayo't yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga, ako at ang aking mga kasama.

Read full chapter