Add parallel Print Page Options

At iyong aalalahanin ang buong paraan (A)na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, (B)at subukin ka, (C)na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.

At ikaw ay pinapangumbaba niya, at (D)pinapagdamdam ka niya ng gutom, (E)at pinakain ka niya ng maná, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo (F)na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.

Read full chapter