Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 28

Ang talumpati ni David.

28 At pinulong ni (A)David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga (B)prinsipe ng mga lipi, at (C)ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga (D)katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pagaari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na (E)makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem.

Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko (F)sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at (G)upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo.

Nguni't sinabi ng Dios sa akin, (H)Huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay lalaking mangdidigma, at nagbubo ka ng dugo.

Gayon ma'y pinili ako ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa buong sangbahayan ng aking ama upang maging hari sa Israel (I)magpakailan man: sapagka't kaniyang pinili ang Juda upang maging pangulo: at sa sangbahayan ng Juda, ang (J)sangbahayan ng aking ama; at sa gitna ng mga anak ng aking ama ay kinaluguran niya ako upang gawin akong hari sa buong Israel:

(K)At sa lahat ng aking mga anak (sapagka't binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak,) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel.

At kaniyang sinabi sa akin, (L)Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.

At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.

Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.

At ikaw, Salomon na aking anak, (M)kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng (N)sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng (O)Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't (P)kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.

10 Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo.

Ibinigay ni David kay Salomon ang anyo ng gagawing templo.

11 Nang magkagayo'y (Q)ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng (R)portiko ng templo, at ng mga (S)kabahayan niyaon, at ng mga ingatang-yaman niyaon, at ng mga mataas na silid niyaon, at ng mga pinakaloob na silid niyaon, at ng dakong luklukan ng awa:

12 At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng (T)silid sa palibot, (U)tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios, at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay:

13 Tungkol din naman sa mga (V)bahagi ng mga saserdote at ng mga (W)Levita, at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon.

14 Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod:

15 Na ang timbang din naman na ukol sa mga (X)kandelero na ginto, at sa mga (Y)ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero:

16 At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak:

17 At ang mga (Z)panduro, at ang mga mangkok, at ang mga saro, na taganas na ginto: at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa't taza; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa't taza;

18 At sa (AA)dambana ng kamangyan ay gintong dalisay ayon sa timbang: at ginto sa anyo ng karo, sa makatuwid baga'y (AB)ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak at lumililim sa kaban ng tipan ng Panginoon.

19 Lahat ng ito'y, sabi ni David, (AC)aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y lahat ng gawain sa anyong ito.

Ang katapusang bilin.

20 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay (AD)sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.

21 (AE)At, narito, may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita, na ukol sa lahat na paglilingkod sa bahay ng Dios: at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa't may kusang kaloobang tao (AF)na bihasa sa sarisaring paglilingkod: ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos.

2 Pedro 2

Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (A)mga bulaang propeta, na (B)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (C)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (D)ang Panginoon (E)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (F)daan ng katotohanan.

At (G)sa kasakiman sa mga (H)pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapamahakan ay hindi nagugupiling.

Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel (I)nang mangagkasala ang mga yaon, kundi (J)sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;

At ang dating sanglibutan ay (K)hindi pinatawad, datapuwa't (L)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;

At pinarusahan niya ng pagkalipol (M)ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama:

At (N)iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na (O)pamumuhay ng masasama

(Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang (P)nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan):

Ang (Q)Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;

10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (R)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (S)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (T)magsialipusta sa mga pangulo:

11 Samantalang ang (U)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.

12 Datapuwa't ang mga ito, na (V)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.

13 Na nangagbabata ng masama na (W)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (X)magpakalayaw kung araw, (Y)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (Z)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (AA)nangakikipagpiging sa inyo;

14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,

15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (AB)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;

16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (AC)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.

17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, (AD)mga ulap na tinatangay ng unos; (AE)na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;

18 Sapagka't, (AF)sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian;

19 Na pinangangakuan ng (AG)kalayaan, (AH)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.

20 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan (AI)sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama (AJ)ang huling kalagayan nila kay sa nang una.

21 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.

22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli (AK)ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Mikas 5

Ang paghahari ng tagapagligtas na magmumula sa Beth-lehem.

Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel (A)ng isang tungkod.

Nguni't ikaw, (B)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (C)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (D)mula nang walang hanggan.

Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon (E)ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.

At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't (F)ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.

At (G) ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.

At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan.

At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan, (H)parang ulan sa damo, na hindi naghihintay sa tao, ni naghihintay man sa mga anak ng tao.

At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siyay dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.

Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway, at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway.

10 At mangyayari (I)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (J)na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo:

11 At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan:

12 At aking ihihiwalay ang mga (K)panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga (L)manghuhula:

13 At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay;

14 At aking bubunutin ang iyong mga (M)Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.

15 At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig.

Lucas 14

14 At nangyari, sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath (A)upang kumain ng tinapay, at (B)inaabangan nila siya.

At narito, sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga.

At pagsagot ni Jesus, ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo, na sinasabi, (C)Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath?

Datapuwa't sila'y di nagsiimik. At siya'y tinangnan niya, at siya'y pinagaling, at siya'y pinayaon.

At sinabi niya sa kanila, (D)Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay, at pagdaka'y hindi kukunin kahit araw ng sabbath?

At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito.

At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga (E)pangulong luklukan; na nagsasabi sa kanila,

Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan, huwag kang uupo sa pangulong luklukan; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo,

At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan.

10 Kundi (F)pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang.

11 Sapagka't ang bawa't (G)nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.

12 At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya, Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamaganak, ni ang mayayamang kapitbahay; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan, at gantihan ka.

13 Datapuwa't kung maghahanda ka, ay anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pingkaw, ang mga pilay, ang mga bulag,

14 At magiging mapalad ka; sapagka't wala silang sukat ikaganti sa iyo: sapagka't (H)gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli (I)ng mga ganap.

15 At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay sinabi sa kaniya, (J)Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios.

16 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, May isang naghanda ng isang malaking hapunan; (K)at marami siyang inanyayahan:

17 At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na.

18 At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan. Sa kaniya'y sinabi ng una, Bumili ako ng isang bukid, at kailangan akong umalis at tingnan; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.

19 At sinabi ng iba, Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake, at paroroon ako upang sila'y subukin; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.

20 At sinabi ng iba, Bago akong kasal, at kaya nga hindi ako makaparoroon.

21 At dumating ang alipin, at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon. Nang magkagayon, sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin, Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makikipot ng bayan, at dalhin mo rito ang mga dukha, at ang mga pingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay.

22 At sinabi ng alipin, Panginoon, nagawa na ang ipinagutos mo, at gayon ma'y maluwag pa.

23 At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay.

24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan.

25 Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi,

26 Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling (L)ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at (M)pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko.

27 Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, (N)at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.

28 Sapagka't alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?

29 Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya'y libakin,

30 Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin.

31 O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?

32 O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.

33 Kaya nga sinoman sa inyo na (O)hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko.

34 Mabuti nga ang asin: (P)datapuwa't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat?

35 Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon sa labas. Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978