Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 23

Itinatag ni David ang katungkulan ng mga Levita.

23 Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: (A)at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.

At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita.

At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon (B)na patanda: at ang kanilang bilang, (C)ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay (D)tatlongpu't walong libo.

Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga (E)pinuno at mga hukom:

At apat na libo ay tagatanodpinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.

At (F)hinati sila ni David sa (G)mga hanay ayon sa mga (H)anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.

(I)Sa mga Gersonita: si (J)Ladan, at si Simi.

Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.

Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.

10 At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi.

11 At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang.

12 Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat.

13 Ang mga anak ni (K)Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay (L)nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang (M)bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man.

14 Nguni't tungkol kay Moises na (N)lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak (O)ay ibinilang na lipi ni Levi.

15 (P)Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer.

16 Ang mga anak ni Gerson: si (Q)Sebuel na pinuno.

17 At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami.

18 Ang mga anak ni Ishar: si (R)Selomith na pinuno.

19 Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.

20 Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa.

21 (S)Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis.

22 At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis.

23 Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo.

24 Ang mga ito ang mga anak ni (T)Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga (U)nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, (V)mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

25 Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:

26 At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin (W)ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.

27 Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

28 Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;

29 Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;

30 At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon;

31 At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga (X)takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:

32 At sila ang magsisipagingat ng (Y)katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at (Z)ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.

1 Pedro 4

Kung paano ngang si (A)Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya (B)na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;

(C)Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa (D)mga masamang pita ng mga tao, (E)kundi sa kalooban ng Dios.

Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon (F)upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na (G)pagsamba sa mga diosdiosan:

Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, (H)kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama:

Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang (I)humukom sa mga buhay at sa mga patay.

Sapagka't dahil dito'y (J)ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.

Nguni't (K)ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: (L)kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:

Na una sa lahat ay (M)maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; (N)sapagka't ang (O)pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

(P)Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:

10 Na (Q)ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting (R)katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga (S)aral ng Dios: (T)kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: (U)upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, (V)na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.

12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y (W)subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:

13 Kundi kayo'y mangagalak, (X)sapagka't (Y)kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; (Z)upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

14 Kung kayo'y mapintasan (AA)dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

15 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, (AB)o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:

16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na (AC)gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa (AD)bahay ng Dios: at (AE)kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?

18 At kung ang matuwid (AF)ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?

19 Kaya't (AG)ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa (AH)kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.

Mikas 2

Sa aba ng matatakaw na mapagpahirap.

Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at (A)nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.

At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, (B)at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka (C)ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.

Sa araw na yaon (D)ay magsisisambit sila ng (E)talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.

Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng (F)pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon.

Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi.

Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?

Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma.

Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man.

10 Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito (G)ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba.

11 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; (H)siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.

12 Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng (I)iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na (J)parang mga tupa sa (K)Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.

13 Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang (L)hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon (M)sa unahan nila.

Lucas 11

11 At nangyari, nang siya'y (A)nananalangin sa isang dako, nang siya'y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad.

At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, (B)Ama, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo.

Ibigay mo sa amin araw-araw ang aming pangarawaraw na kakanin.

At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan; sapagka't aming pinatawad naman ang bawa't may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso.

At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay;

Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya;

At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo?

Sinasabi ko sa inyo, (C)Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya.

At sinasabi ko sa inyo, (D)Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.

10 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

11 At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas?

12 O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan?

13 Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, (E)gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay (F)ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?

14 At (G)nagpalabas siya ng isang demoniong pipi. At nangyari, nang makalabas na ang demonio, ang pipi ay nangusap; at nangagtaka ang mga karamihan.

15 Datapuwa't sinabi ng ilan sa kanila, Sa pamamagitan ni Beelzebub, na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

16 At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y (H)hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.

17 Datapuwa't siya, na nakatataho ng mga pagiisip nila, sa kanila'y sinabi, (I)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba.

18 At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, paanong mananatili ang kaniyang kaharian? sapagka't sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio.

19 At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong (J)mga anak? kaya nga, sila ang inyong magiging mga hukom.

20 Nguni't kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.

21 Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyang mga pagaari ay wala sa panganib.

22 Datapuwa't kung siya'y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya, at siya'y matalo, ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan, at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya.

23 (K)Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.

24 Pagka (L)ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig, na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko.

25 At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan.

26 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.

27 At nangyari, na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya, (M)Mapalad ang tiyang sa iyo'y nagdala, at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.

28 Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong (N)mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.

29 At nang ang mga karamihan ay (O)nangagkakatipon sa kaniya, ay nagpasimula siyang magsabi, Ang lahing ito'y isang masamang lahi: siya'y humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas.

30 Sapagka't kung paanong si Jonas ay naging tanda sa mga Ninivita, ay gayon din naman ang Anak ng tao sa lahing ito.

31 (P)Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito, at sila'y hahatulan: sapagka't siya'y naparitong galing sa mga wakas ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.

32 Magsisitayo sa paghuhukom (Q)ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: (R)sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.

33 Walang taong pagkapagpaningas niya ng (S)isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw.

34 Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong (T)mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwa't kung ito'y may sakit, ang katawan mo nama'y puspos ng kadiliman.

35 Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman.

36 Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito'y lubos na mapupuspos ng liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning.

37 Samantala ngang siya'y nagsasalita, ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya: at siya'y pumasok, at naupo sa dulang.

38 At nang makita (U)ito ng Fariseo, ay nagtaka na siya'y hindi muna naghugas bago mananghali.

39 At sinabi sa kaniya (V)ng Panginoon, Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan; datapuwa't ang loob ninyo'y puno ng panglulupig at kasamaan.

40 Kayong mga haling, di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob?

41 Datapuwa't ilimos ninyo (W)ang mga bagay na nasa kalooban; at narito, ang (X)lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo.

42 Datapuwa't (Y)sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng (Z)ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon.

43 Sa aba ninyong mga Fariseo! (AA)sapagka't inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.

44 Sa aba ninyo! sapagka't kayo'y tulad sa mga libingang hindi nakikita, at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila.

45 At pagsagot ng isa sa mga (AB)tagapagtanggol ng kautusan, ay nagsabi sa kaniya, Guro, sa pagsasabi mo nito, pati kami ay iyong pinupulaan.

46 At sinabi niya, (AC)Sa aba rin naman ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasang mahihirap dalhin, at hindi man lamang ninyo hinihipo ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasan.

47 Sa aba ninyo! (AD)sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, at ang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang.

48 Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan.

49 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, (AE)Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin;

50 Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan;

51 Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at (AF)ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.

52 Sa aba ninyong (AG)mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok.

53 At paglabas niya roon, ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya, at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay;

54 Na siya'y inaabangan, (AH)upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978