Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 22

Ang habilin ni David kay Salomon.

22 Nang magkagayo'y sinabi ni David, (A)Ito ang bahay ng Panginoong Dios, at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel.

At iniutos ni David na pisanin ang mga (B)taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel; at siya'y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato, upang itayo ang bahay ng Dios.

At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan, at sa mga sugpong; at tanso na sagana na walang timbang;

At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga (C)Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana.

At sinabi ni David, (D)Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan.

Nang magkagayo'y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak, at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Tungkol sa akin, (E)na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios.

Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, (F)Ikaw ay nagbubo ng dugo na sagana, at (G)gumawa ng malaking pagdidigma: huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay nagbubo ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin:

Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking (H)mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:

10 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at (I)siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.

11 Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay sumaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo.

12 Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios.

13 (J)Kung magkagayo'y giginhawa ka, kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel: (K)ikaw ay magpakalakas at magpakatapang; huwag kang matakot o manglupaypay man.

14 Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng (L)isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan.

15 Bukod dito'y may kasama kang mga manggagawa na sagana, mga mananabas ng bato at manggagawa sa bato at sa kahoy, at lahat ng mga tao na bihasa sa anoman gawain;

16 Sa ginto, sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, walang bilang. Ikaw ay bumangon at iyong gawin, at ang Panginoon ay sumaiyo.

17 Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,

18 Hindi ba ang Panginoon ninyong Dios ay sumasainyo? at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat na dako? sapagka't kaniyang ibinigay ang mga nananahan sa lupain sa aking kamay; at ang lupain ay suko sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang bayan.

19 Ngayo'y inyong ilagak ang inyong puso at ang inyong kaluluwa upang hanaping sundin ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y bumangon nga, (M)at itayo ninyo ang santuario ng Panginoong Dios, upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon, at ang mga banal na kasangkapan ng Dios, sa loob ng bahay na itatayo sa pangalan ng Panginoon.

1 Pedro 3

Gayon din naman, (A)kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, (B)kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng (C)ugali ng kanikaniyang asawang babae;

Sa pagkamasid nila ng inyong (D)ugaling mahinhin na may takot.

Na (E)huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;

Kundi (F)ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.

Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, (G)na pasakop sa kanikaniyang asawa;

Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

(H)Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan (I)ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: (J)upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Katapustapusan, (K)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (L)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (M)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

(N)Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, (O)o ng alipusta ang pagalipusta; kundi (P)ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

10 Sapagka't,

(Q)Ang magnais umibig sa buhay,
At makakita ng mabubuting araw,
Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,
At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;
Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:
Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.

13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14 Datapuwa't (R)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (S)ay mapapalad kayo: at (T)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (U)huwag kayong mangagulo;

15 Kundi (V)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (W)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (X)kaamuan at (Y)takot:

16 Na taglay (Z)ang mabuting budhi; (AA)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (AB)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (AC)pamumuhay kay Cristo.

17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.

18 Sapagka't si Cristo man ay (AD)nagbata ring (AE)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (AF)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (AG)sa laman, nguni't (AH)binuhay (AI)sa espiritu;

19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at (AJ)nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (AK)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (AL)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

21 Na ayon sa tunay (AM)na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y (AN)ang bautismo, hindi sa pagaalis (AO)ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng (AP)isang mabuting budhi sa Dios, (AQ)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (AR)ipinasakop (AS)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

Mikas 1

Ang mga salitang laban sa Israel at Juda.

Ang Salita ng Panginoon na dumating kay (A)Mikas na Morastita, (B)nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa (C)Samaria at sa Jerusalem.

Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.

Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.

At ang mga bundok (D)ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na (E)parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.

Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang (F)Samaria? at ano ang mga (G)mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?

Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (H)ililitaw ang mga patibayan niyaon.

At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at (I)ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.

Ang darating na kagibaan ay kalungkot-lungkot.

Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.

Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; (J)umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem.

10 Huwag ninyong saysayin sa (K)Gath huwag kayong pakaiyak: sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok.

11 Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon.

12 Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.

13 Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo.

14 Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa (L)Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel.

15 Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam.

16 (M)Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo.

Lucas 10

10 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng (A)pitongpu (B)pa, at sila'y (C)sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan.

At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami (D)ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.

Magsiyaon kayo sa iyong lakad; (E)narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.

(F)Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; (G)at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan.

At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, (H)Kapayapaan nawa sa bahay na ito.

At kung (I)mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.

At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahay-bahay.

At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:

At pagalingin ninyo ang mga may-sakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, (J)Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios.

10 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,

11 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban (K)sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios.

12 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan (L)ang Sodoma kay sa bayang yaon.

13 Sa aba mo, (M)Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na dising nangagsisi, na nangauupong may kayong magaspang at abo.

14 Datapuwa't sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon, kay sa inyo.

15 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades.

16 Ang nakikinig sa inyo, ay (N)sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.

17 At nagsipagbalik (O)ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan.

18 At sinabi niya sa kanila, (P)Nakita ko si Satanas, na (Q)nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.

19 Narito, binigyan ko (R)kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.

20 Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi (S)inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.

21 Nang (T)oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.

22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.

23 At paglingon sa mga alagad, ay sinabi niya ng bukod, (U)Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita:

24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita, at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig, at hindi nila nangarinig.

25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, (V)Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?

26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?

27 At pagsagot niya'y sinabi, (W)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; (X)at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.

29 Datapuwa't siya, na ibig (Y)magaring-ganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?

30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na.

31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay (Z)dumaan sa kabilang tabi.

32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.

33 Datapuwa't ang (AA)isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,

34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.

35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng (AB)dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.

36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?

37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang (AC)Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.

39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na (AD)Maria, na (AE)naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.

40 Ngunit si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya.

41 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:

42 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978