M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Oseas ay naghari sa Israel. Ang Israel ay nabihag ng Asiria.
17 Nang ikalabing dalawang taon ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimula si Oseas na anak ni Ela na maghari sa Samaria sa Israel, at nagharing siyam na taon.
2 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, bagaman hindi gaya ng mga hari sa Israel na mga una sa kaniya.
3 Laban sa kaniya ay umahon si (A)Salmanasar na hari sa Asiria; at si Oseas ay naging kaniyang lingkod, at dinalhan siya ng mga kaloob.
4 At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan.
5 (B)Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain, at umahon sa Samaria, at kinulong na tatlong taon.
6 (C)Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at (D)dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng (E)Gozan, at sa mga bayan ng mga (F)Medo.
Sa panahon ng pagkakabihag.
7 At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.
8 (G)At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel, at ng mga hari ng Israel, na kanilang ginawa.
9 At ang mga anak ni Israel ay (H)nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios, at sila'y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan.
10 (I)At sila'y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga (J)Asera sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy;
11 At doo'y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako, gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit;
12 At sila'y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan, (K)na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon, (L)Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito.
13 (M)Gayon ma'y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa't propeta, at ng (N)bawa't tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, (O)sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta.
14 Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios.
15 At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa (P)walang kabuluhan, at (Q)naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.
16 At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga (R)larawang binubo, sa makatuwid baga'y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang (S)Asera, at (T)sinamba ang buong natatanaw sa langit, at (U)nagsipaglingkod kay Baal.
17 (V)At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy, at nagsihilig sa (W)panghuhula at mga (X)panggagaway, at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit.
18 Kaya't ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda (Y)lamang.
19 Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa.
20 At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel, at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin.
21 Sapagka't kaniyang (Z)inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David, at kanilang (AA)ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat: at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon (AB)at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan.
22 At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa; hindi nila hiniwalayan;
23 Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, (AC)gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. (AD)Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.
Mga dayuhan ay dinadala sa Samaria.
24 (AE)At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa (AF)Hamath at sa (AG)Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon.
25 At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila.
26 Kaya't kanilang sinalita sa hari sa Asiria, na sinasabi, Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria, hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain; kaya't siya'y nagsugo ng mga leon sa gitna nila, at, narito, pinatay sila, sapagka't hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain.
27 Nang magkagayo'y nagutos ang hari sa Asiria, na nagsasabi, Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon; at inyong payaunin at patahanin doon, at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain.
28 Sa gayo'y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa (AH)Beth-el, at tinuruan sila kung paanong sila'y marapat na matakot sa Panginoon.
29 Gayon ma'y bawa't bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili, at ipinaglalagay sa (AI)mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano, na bawa't bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan.
30 (AJ)At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth, at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal, at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima,
31 At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac, at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa (AK)Adrammelech at sa Anammelech, na mga dios ng Sefarvaim.
32 Sa gayo'y nangatakot sila sa Panginoon, at (AL)nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako, na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay, na nangasa mga mataas na dako.
33 Sila'y nangatakot sa Panginoon, (AM)at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios, ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila.
34 Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: sila'y hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, (AN)na kaniyang pinanganlang Israel,
35 Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, (AO)Kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila:
36 Kundi ang Panginoon, na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay, siya ninyong katatakutan, at sa kaniya kayo magsisiyukod, at sa kaniya kayo magsisipaghain.
37 At ang mga palatuntunan, at ang mga ayos, at ang kautusan, at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man; at kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios:
38 At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo, huwag ninyong kalilimutan; ni (AP)mangatatakot man kayo sa ibang mga dios:
39 Nguni't sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway.
40 Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan.
41 (AQ)Sa gayo'y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan; ang kanilang mga anak ay gayon din, at ang mga anak ng kanilang mga anak, kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito.
3 Ipaalala mo sa kanilang (A)pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,
2 Na huwag magsalita ng masama tungkol (B)sa kanino man, na (C)huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.
3 Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon (D)ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.
4 Nguni't nang mahayag na (E)ang kagandahang-loob ng (F)Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,
5 Na (G)hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi (H)ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan (I)ng paghuhugas sa (J)muling kapanganakan at ng (K)pagbabago sa Espiritu Santo,
6 Na kaniyang ibinuhos ng sagana (L)sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;
7 Upang, sa (M)pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, (N)ay maging tagapagmana tayo (O)ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.
8 Tapat ang pasabi, (P)at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:
9 Nguni't ilagan mo (Q)ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.
10 Ang taong may maling pananampalataya (R)pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
11 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala (S)at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.
12 Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas, o si (T)Tiquico, ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis: sapagka't pinasiyahan kong doon matira sa taginaw.
13 Suguin mong may sikap si Zenas na (U)tagapagtanggol ng kautusan at si (V)Apolos sa kanilang paglalakbay, upang sila'y huwag kulangin ng ano man.
14 At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa (W)sa kagamitang kailangan, upang huwag mawalan ng bunga.
15 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.
Ang kasalanan ng Israel ay magbubunga ng pagkakahatihati.
10 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na (A)nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga (B)kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay (C)nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.
2 Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.
3 Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?
4 Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.
5 Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (D)mga guya ng (E)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.
6 (F)Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob (G)sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.
7 Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.
8 Ang mataas na dako naman ng (H)Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; (I)at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9 (J)Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; (K)ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.
10 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11 At ang Ephraim ay isang (L)dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
12 (M)Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; (N)bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at (O)magdala ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni (P)Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: (Q)ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
15 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.
Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.
129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (A)aking kabataan,
(B)Sabihin ngayon ng Israel,
2 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(C)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo (D)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4 Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (E)panali ng masama.
5 Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Sila'y maging (F)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(G)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (H)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (I)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (J)tatayo?
4 Nguni't may (K)kapatawarang taglay ka,
(L)Upang ikaw ay katakutan.
5 (M)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (N)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (O)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (P)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (Q)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
131 Panginoon, hindi hambog ang (R)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(S)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(T)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 (U)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978