M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Ezechias ay may sakit. Ang buhay ay pinahaba.
20 Nang mga araw na (A)yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong bahay; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.
2 Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,
3 Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong (B)alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at (C)gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.
4 At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,
5 Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na (D)pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, (E)Aking narinig ang iyong (F)panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.
6 At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria; at aking (G)ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.
7 At (H)sinabi ni Isaias, Kayo'y magsikuha ng isang binilong igos. At kinuha nila at itinapal sa bukol at siya'y gumaling.
8 At sinabi ni Ezechias kay Isaias, (I)Ano ang magiging tanda na ako'y pagagalingin ng Panginoon, at ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw?
9 At sinabi ni Isaias, Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na kaniyang sinalita: magpapauna ba ang anino ng sangpung grado, o magpapahuli ng sangpung grado?
10 At sumagot si Ezechias, Magaang bagay sa anino na kumiling ng sangpung grado: hindi, kundi pahulihin ang anino ng sangpung grado.
11 At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon: at kaniyang pinapagpahuli ang anino ng sangpung grado, na nakababa na sa orasan ni Achaz.
Ipinakita ni Ezechias ang kaniyang kayamanan sa mga taga Babilonia.
12 (J)Nang panahong yaon ay si Berodach-baladan, na anak ni Baladan, na hari sa Babilonia, ay nagpadala ng mga sulat at ng kaloob kay Ezechias: sapagka't kaniyang nabalitaan na si Ezechias ay nagkasakit.
13 At dininig ni Ezechias sila, at ipinakita sa kanila ang buong bahay ng kaniyang mahalagang mga bagay, ang pilak, at ang ginto, at ang mga espesia, at (K)ang mahalagang langis, at ang bahay na taguan ng kaniyang sandata, at ang lahat na nasusumpungan sa mga kayamanan niya: walang anoman sa kaniyang bahay, o sa buong kaniyang sakop, na hindi ipinakita sa kanila ni Ezechias.
14 Nang magkagayo'y naparoon si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, Anong sinasabi ng mga lalaking ito? at saan nagsipanggaling na napasa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila'y nagsipanggaling sa malayong lupain, sa makatuwid baga'y sa Babilonia.
15 At kaniyang sinabi, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias. Lahat na nasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anomang bagay na nasa aking mga kayamanan na di ko ipinakita sa kanila.
16 At sinabi ni Isaias kay Ezechias, Dinggin mo ang salita ng Panginoon.
17 (L)Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon.
18 At ang ilan sa iyong mga anak na magmumula sa iyo na iyong ipanganganak, sila'y dadalhin; at sila'y magiging bating sa bahay ng (M)hari sa Babilonia.
19 Nang magkagayo'y sinabi ni Ezechias kay Isaias, (N)Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita. Kaniyang sinabi, bukod dito, Hindi ba, kung magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan?
20 (O)Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang buo niyang kapangyarihan, at kung paano niyang ginawa (P)ang tipunan ng tubig, at ang padaluyan, (Q)at nagdala ng tubig sa bayan, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
21 At natulog si Ezechias na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
2 Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos.
2 Sapagka't kung ang ipinangusap na salita (A)sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;
3 Paanong makatatanan (B)tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? (C)na ipinangusap ng Panginoon noong una ay (D)pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;
4 Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng (E)mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang (F)kapangyarihan, at (G)ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.
5 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel (H)ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.
6 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi,
(I)Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin?
O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
7 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel;
Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,
At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
8 Inilagay mo (J)ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. (K)Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.
9 Kundi nakikita natin ang (L)ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay (M)lasapin niya ang kamatayan (N)dahil sa bawa't tao.
10 (O)Sapagka't marapat sa kaniya na (P)pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian (Q)na (R)gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.
11 Sapagka't (S)ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang (T)sa isa: na dahil dito'y (U)hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na sinasabi,
(V)Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid,
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.
13 At muli, (W)ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, (X)Narito, ako at ang mga (Y)anak na ibinigay sa akin ng Dios.
14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, (Z)siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; (AA)upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
15 At mailigtas silang lahat (AB)na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng (AC)maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.
18 (AD)Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.
Binigyan ng mga babala.
13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang (A)siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.
2 At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.
3 Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na (B)gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at (C)parang usok na lumalabas sa Chimenea:
4 Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin (D)ay walang tagapagligtas.
5 Nakilala kita (E)sa ilang, (F)sa lupain ng malaking katuyuan.
6 Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (G)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.
7 Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;
8 Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.
9 Siyang iyong kapahamakan (H)Oh Israel, (I)na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.
10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na (J)iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?
11 Aking binigyan ka ng (K)hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.
12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.
13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap (L)sa pagwawaksi ng mga yaon.
14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. (M)Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? (N)pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.
15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay (O)darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.
16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: (P)sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (A)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (B)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (C)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (D)sira;
Magiging mapalad siya, (E)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.
138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(F)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (G)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4 Lahat ng mga hari sa lupa (H)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6 (I)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (J)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7 (K)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
8 (L)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(M)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978