Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Mga Hari 14

Si Amasias ay naghari sa Juda.

14 Nang (A)ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si (B)Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari.

Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Joaddan na taga Jerusalem.

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gayon man di gaya ni David na kaniyang magulang: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ni Joas na kaniyang ama.

(C)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

At nangyari, pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na (D)nagsipatay sa hari na kaniyang ama.

Nguni't ang mga anak ng mga mamamatay tao ay hindi niya pinatay; ayon doon sa nasusulat sa aklat ng kautusan ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, (E)Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak, o ang mga anak man ay papatayin dahil sa mga ama; kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

(F)Siya'y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo (G)sa Libis ng Asin, at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma, at pinanganlang Jocteel, hanggang sa araw na ito.

(H)Nang magkagayo'y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na sinasabi, Halika, tayo'y magtitigan,

At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, (I)Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa (J)sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.

10 Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng (K)iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?

Ang pakikidigma ni Amasias sa Israel—pinatay ng mga manghihimagsik.

11 Nguni't hindi dininig ni Amasias. Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya, at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa (L)Beth-semes, na ukol sa Juda.

12 At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel; at (M)sila'y tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

13 At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas na anak ni Ochozias, sa Beth-semes, at naparoon sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa (N)pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa (O)pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.

14 At kinuha niya ang lahat na ginto (P)at pilak, at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria.

15 (Q)Ang iba nga sa mga gawa ni Joas na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, at kung paanong siya'y lumaban kay Amasias na hari sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

16 At natulog si Joas na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel; at si Jeroboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

17 (R)At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel, na labing limang taon.

18 Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

19 At sila'y (S)nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa (T)Lachis, at pinatay siya roon.

20 At dinala nila siya na nakapatong sa mga kabayo: at siya'y nalibing sa Jerusalem na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David.

21 At kinuha ng buong bayan ng Juda si (U)Azarias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

22 Kaniyang itinayo ang (V)Elath, at isinauli sa Juda pagkatapos na ang hari ay matulog na kasama ng kaniyang mga magulang.

23 Nang ikalabing limang taon ni Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda, si Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari sa Samaria, at nagharing apat na pu't isang taon.

24 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, (W)na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

25 Kaniyang isinauli ang hangganan ng Israel (X)mula sa pasukan ng Hamath (Y)hanggang sa dagat ng Araba, ayon sa salita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si (Z)Jonas na anak ni Amittai, na propeta na taga (AA)Gath-hepher.

26 Sapagka't (AB)nakita ng Panginoon ang kapighatian ng Israel, na totoong masaklap: (AC)sapagka't walang nakulong o naiwan sa kaluwangan man, o sinomang tumulong sa Israel.

27 At hindi sinabi ng Panginoon na kaniyang papawiin ang pangalan ng Israel mula sa silong ng langit, kundi iniligtas nila siya sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam na anak ni Joas.

28 Ang iba nga sa mga gawa ni Jeroboam, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, kung paanong siya'y nakipagdigma, at kung paanong binawi niya para sa Israel ang (AD)Damasco at ang Hamath, na nangaukol sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

29 At si Jeroboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, sa makatuwid baga'y ng mga hari sa Israel; at si Zacharias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

2 Timoteo 4

(A)Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng (B)kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:

Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, (C)sumaway ka, (D)mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.

Sapagka't darating ang panahon (E)na hindi nila titiisin ang (F)magaling na aral; (G)kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;

At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga (H)ibabaling sa katha.

Nguni't ikaw ay (I)magpigil sa lahat ng mga bagay, (J)magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa (K)ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.

Sapagka't (L)ako'y iniaalay na, at ang panahon ng (M)aking pagpanaw ay dumating na.

(N)Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, (O)natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:

Buhat ngayon ay natataan (P)sa akin (Q)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (R)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Magsikap kang pumarini na madali sa akin:

10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (S)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (T)Tito ay sa Dalmacia.

11 Si Lucas (U)lamang ang kasama ko. (V)Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.

12 Datapuwa't si (W)Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.

13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.

14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan (X)ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:

15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.

16 Sa aking unang (Y)pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.

17 Datapuwa't (Z)ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at (AA)ako'y iniligtas sa bibig ng leon.

18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

19 Batiin mo (AB)si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan (AC)ni Onesiforo.

20 Si (AD)Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si (AE)Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa (AF)Mileto.

21 (AG)Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.

22 Ang Panginoon nawa'y (AH)sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.

Oseas 7

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa paghihimagsik ng Israel.

Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.

At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; (A)sila'y nangasa harap ko.

Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.

Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.

Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.

Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.

Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: (B)wala sa kanila na tumawag sa akin.

Ang Ephraim, (C)nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.

Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang (D)yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.

10 At (E)ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: (F)gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.

11 At ang Ephraim (G)ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa (H)sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.

12 Pagka sila'y magsisiyaon, ay (I)aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig (J)sa kanilang kapisanan.

13 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y (K)aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.

14 At sila'y hindi nagsidaing (L)sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

15 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.

16 Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi (M)sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y (N)parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot (O)ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila (P)sa lupain ng Egipto.

Mga Awit 120-122

Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (A)Awit sa mga Pagsampa.

120 Sa aking kahirapan ay (B)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
Sa aba ko, na nakikipamayan sa (C)Mesech,
Na (D)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (E)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(F)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(G)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (H)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (I)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (J)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (K)iingatan ang iyong kaluluwa.
(L)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (M)sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (N)siksikan:
(O)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(P)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
(Q)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
(R)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(S)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(T)Hahanapin ko ang iyong buti.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978