Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Mga Hari 25

Nabihag ang Jerusalem.

25 At nangyari nang (A)ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon.

Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias.

Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, ang kagutom ay lumala sa bayan, na anopa't walang tinapay sa bayan ng lupain.

(B)Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang (C)lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa (D)pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng (E)halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan;) at ang hari ay yumaon sa daan ng (F)Araba.

Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico: at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya.

Nang magkagayo'y kinuha nila ang hari (G)at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa (H)Ribla; at sila'y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya.

At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y (I)nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia.

Giniba ang Jerusalem at ang templo.

(J)Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na (K)punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia.

(L)At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang (M)lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy.

10 At (N)ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot, ng buong hukbo ng mga Caldeo, na kasama ng punong kawal ng bantay.

11 At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.

12 Nguni't iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga (O)pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid.

13 At ang mga (P)haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, at ang mga (Q)tungtungan at ang (R)dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, ay dinurog ng mga Caldeo, at dinala ang tanso sa Babilonia.

14 (S)At ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga kutchara, at ang lahat na kasangkapan na tanso na kanilang ipinangangasiwa, ay kanilang dinala.

15 At ang mga apuyan, at ang mga mangkok; na ang sa ginto, ay ginto, at ang sa pilak ay pilak, pinagdadala ng punong kawal ng bantay.

16 Ang (T)dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang mga tungtungan, na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon; (U)ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang.

17 (V)Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko, na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot, lahat ay tanso; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat.

18 At kinuha ng punong kawal ng bantay si (W)Saraias na dakilang saserdote, at si (X)Sophonias na (Y)ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto:

19 At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma: at (Z)limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari (AA)na nangasumpungan sa bayan: at ang kalihim, ang punong kawal ng hukbo, na humusay ng bayan ng lupain; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain, na nangasumpungan sa bayan.

20 At kinuha sila ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa (AB)Ribla.

21 At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at pinatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Sa gayo'y dinala ang Juda na bihag mula sa kaniyang lupain.

Si Gedalias ay ginawang tagapamahala.

22 At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda, na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si (AC)Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan.

23 Nang mabalitaan nga ng lahat (AD)ng pinuno ng mga hukbo, nila, at ng kanilang mga lalake, na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia, ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias, at si Johanan na anak ni Carea, at si Saraia na anak ni Tanhumet, na Netofatita, at si Jaazanias na anak ng Maachateo, sila at ang kanilang mga lalake.

24 At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake, at nagsabi sa kanila, Kayo'y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo: magsitahan kayo sa lupain, at kayo'y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.

25 Nguni't nangyari (AE)nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nathanias, na anak ni Elisama, na mula sa lahing hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay naparoon, at sinaktan si Gedalias, na anopa't namatay, at ang mga Judio at ang mga Caldeo, na mga kasama niya sa Mizpa.

26 At ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki, at ang mga pinuno ng hukbo, ay nagsitindig, at (AF)nagsiparoon sa Egipto; sapagka't sila'y nangatakot sa mga Caldeo.

Si Joachin ay pinagmagandahang loob ni Evil-merodach.

27 At (AG)nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng (AH)pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay (AI)itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan;

28 At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.

29 At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag. At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi (AJ)sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

30 At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari, bawa't araw isang bahagi ng pagkain, lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.

Mga Hebreo 7

Sapagka't itong si (A)Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya,

Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;

Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng (B)Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote (C)magpakailan man.

Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam.

At katotohanan (D)ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:

Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala (E)yaong may mga pangako.

Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.

At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi; datapuwa't doon ay ang isa, na (F)pinatutunayang nabubuhay.

At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi;

10 Sapagka't siya'y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito'y salubungin ni Melquisedec.

11 Ngayon kung may kasakdalan (G)nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, (H)ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron?

12 Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

13 Sapagka't yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma'y hindi naglilingkod sa dambana.

14 Sapagka't maliwanag na (I)ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda; na tungkol sa angkang yao'y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote.

15 At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote,

16 Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan:

17 Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya,

(J)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

18 Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa (K)kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan

19 (Sapagka't ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal), at (L)may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay (M)nagsisilapit tayo sa Dios.

20 At yamang yao'y hindi naging sa walang sumpa

21 (Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya,

Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi,
Ikaw ay saserdote magpakailan man);

22 Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot (N)sa lalong mabuting tipan.

23 At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy:

24 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.

25 Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa (O)mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang (P)mamagitan sa kanila.

26 Sapagka't nararapat sa atin ang gayong (Q)dakilang saserdoteng (R)banal, walang sala, walang dungis, (S)nahihiwalay sa mga makasalanan, (T)at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;

27 Na hindi nangangailangan (U)araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote (V)una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't (W)ito'y ginawa niyang (X)minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.

28 Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng (Y)sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa (Z)Anak, (AA)na sakdal magpakailan man.

Amos 1

Ang hatol ng Panginoon sa mga kalapit bansa.

Ang mga salita ni Amos, (A)na nasa gitna ng mga pastor sa (B)Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni (C)Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni (D)Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago (E)lumindol.

At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.

Ganito ang sabi ng Panginoon: (F)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (G)Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (H)sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.

Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni (I)Ben-hadad.

At aking iwawasak ang (J)halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang (K)ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (L)sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, (M)upang ibigay sa Edom.

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:

At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at (N)ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (O)Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (P)sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang (Q)tipan ng pagkakapatiran.

10 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.

11 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (R)Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng (S)tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.

12 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.

13 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (T)mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't (U)kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.

14 Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng (V)Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;

15 At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon.

Mga Awit 144

Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.

144 Purihin ang Panginoon na (A)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
Aking kagandahang-loob, at (B)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(C)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
(D)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
(E)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
Ikiling mo ang iyong mga langit, (F)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(G)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
(H)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
(I)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(J)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (K)mga taga ibang lupa;
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (L)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (M)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (N)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(O)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978