Add parallel Print Page Options

14 At siya'y naghalal, ayon sa utos ni David na kaniyang ama ng mga (A)bahagi ng mga saserdote sa kanilang paglilingkod, at ng mga (B)Levita sa kanilang mga katungkulan upang mangagpuri, at upang mangasiwa sa harap ng mga saserdote, ayon sa kailangan ng katungkulan sa bawa't araw: ang mga (C)tagatanod-pinto naman ayon sa kanilang mga bahagi sa bawa't pintuang-daan: sapagka't gayon ang iniutos ni David na lalake ng Dios.

Read full chapter

18 At inihalal ni Joiada ang mga katungkulan sa bahay ng Panginoon, sa kapangyarihan ng kamay ng mga (A)saserdote na mga Levita, na siyang (B)binahagi ni David sa bahay ng Panginoon, upang maghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon, gaya ng nasusulat (C)sa kautusan ni Moises, na may pagkagalak, at may pagawit ayon sa ayos ni David.

Read full chapter

25 (A)At kaniyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga simbalo, may mga salterio, at may mga alpa, (B)ayon sa utos ni David, at ni (C)Gad na tagakita ng hari, at ni (D)Nathan na propeta: sapagka't ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.

Read full chapter

At magsihanda kayo (A)ayon sa mga sangbahayan ng inyong mga magulang ayon sa inyong mga bahagi, ayon sa (B)sulat ni David na hari sa Israel, at ayon sa sulat (C)ni Salomon sa kaniyang anak.

Read full chapter