1 Cronica 27:16-22
Ang Biblia (1978)
Mga tagapamahala sa mga lipi.
16 Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha.
17 Sa Levi, si (A)Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si (B)Sadoc;
18 Sa Juda, si (C)Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:
19 Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel:
20 Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:
21 Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.
22 Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978