Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 88 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 91-92' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Mga Hari 9:17-37' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Corinto 7:1-9

Mga Tagubilin tungkol sa Pag-aasawa

Tungkol naman sa mga bagay na isinulat ninyo: “Mabuti para sa isang lalaki na huwag gumalaw ng babae.” Subalit dahil sa laganap na pakikiapid, ang bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sarili niyang asawa, at gayundin ang bawat babae. Dapat ibigay ng lalaki sa kanyang asawa ang karapatan nito bilang asawa, at gayundin ang babae sa kanyang asawa. Sapagkat hindi na ang babae ang nagpapasya tungkol sa kanyang katawan, kundi ang kanyang asawa, at hindi na rin ang lalaki ang nagpapasya tungkol sa kanyang sariling katawan, kundi ang kanyang asawa. Huwag ninyong ipagkait ang inyong mga sarili sa isa't isa, malibang may kasunduan kayo sa loob ng maikling panahon upang mailaan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Pagkatapos nito ay magsiping kayong muli, upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa kakulangan ninyo ng pagpipigil sa sarili. Ngunit sinasabi ko ito bilang panukala at hindi bilang utos. Nais ko sanang ang lahat ay maging katulad ko. Subalit ang bawat isa'y may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos, ang isa'y ganito at ang iba naman ay ganoon.

Ngunit sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga babaing balo: mabuti para sa kanila kung sila'y mananatiling kagaya ko. Ngunit kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipag-asawa sila, sapagkat mas mabuti pang mag-asawa kaysa mag-apoy sa pagnanasa.

Mateo 6:7-15

Kapag kayo'y nananalangin, huwag ninyong daanin sa maraming salitang walang kabuluhan na tulad ng ginagawa ng mga Hentil, sapagkat akala nila'y pakikinggan sila dahil sa dami ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tularan, sapagkat alam na ng inyong Ama ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi. Manalangin nga kayo tulad nito:

'Ama naming nasa langit,
    pakabanalin nawa ang iyong pangalan.
10 'Dumating nawa ang iyong kaharian,
    matupad nawa ang iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan mo po kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.
12     Patawarin mo po kami sa aming mga pagkakautang,
    kung paanong nagpatawad kami sa mga nagkakautang sa amin.
13 At huwag mo kaming pabayaan sa panahon ng pagsubok,
    sa halip ay iligtas mo po kami mula sa masama.'[a]

14 Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang iba sa kanilang mga kasalanan, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. 15 Ngunit kung hindi kayo nagpapatawad sa mga pagkakasala ng iba, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong mga pagkakasala.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.