Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 66 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Mga Bilang 21:4-9' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 3:11-17

11 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, nagsasalita kami tungkol sa alam namin, at nagpapatotoo sa mga nakita namin; ngunit hindi ninyo ito tinatanggap. 12 (A)Kung ang sinabi ko sa inyo na mga bagay na panlupa ay hindi ninyo pinaniniwalaan, paano kayong maniniwala kung mga bagay na panlangit na ang sasabihin ko sa inyo? 13 (B)Walang sinumang nakaakyat sa langit maliban sa kanya na bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao. 14 (C)At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang, ganoon din kailangang maitaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16 Sapagkat ganoon inibig ng Diyos ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Sapagkat isinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang sa pamamagitan niya ay maligtas ang sanlibutan.

Error: 'Awit 118 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Pedro 3:17-22

17 Sapagkat mabuti pang magdusa sa paggawa ng mabuti, kung ito'y kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo ay minsan lamang namatay dahil sa mga kasalanan, siya na walang kasalanan para sa mga makasalanan upang maiharap kayo[a] sa Diyos. Namatay siya ayon sa laman, ngunit muling binuhay ayon sa espiritu. 19 Sa ganitong kalagayan, nagtungo siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo, 20 mga (A) espiritung sumuway noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang barko. Iilang tao, walo lamang noon ang nakaligtas sa pamamagitan ng tubig. 21 Ang tubig na iyon ang inilalarawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi ito paglilinis ng dungis ng katawan kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo. 22 Siya'y umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Ang mga anghel, mga kapamahalaan at mga kapangyarihan ay nagpapasakop sa kanya.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.