Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 119:41-64' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 8:11-20' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 10:1-15

10 Mga kapatid, hangarin ng aking puso at dalangin sa Diyos na maligtas ang sambayanang Israel. Makapagpapatunay ako na masigasig sila tungkol sa Diyos, subalit hindi ito ayon sa tamang pagkaunawa. Dahil hindi nila nauunawaan ang pagiging matuwid na nagmumula sa Diyos, at nagsisikap silang magtayo ng sariling paraan upang maging matuwid, hindi sila nagpasakop sa paraan ng Diyos sa pagiging matuwid. Si Cristo ang katuparan ng Kautusan upang maging matuwid ang bawat sumasampalataya sa kanya.

Kaligtasan para sa Lahat

Ganito (A) ang sinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang taong gumagawa ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.” Ngunit (B) ganito naman ang sinasabi ng pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’ ”—ito ay upang ibaba si Cristo. “O, ‘Sino ang lulusong sa kailaliman?’ ”—ito ay upang iahon si Cristo mula sa mga patay. Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong bibig, at nasa iyong puso.” Ito ang salita ng pananampalataya na aming ipinapangaral. Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa kamatayan ay maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng puso tungo sa pagiging matuwid at nagpapahayag sa pamamagitan ng bibig tungo sa kaligtasan. 11 Sinasabi (C) ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Walang pagkakaiba ang Judio at Griyego, sapagkat iisa ang Panginoon ng lahat, at siya'y mapagpala sa lahat ng tumatawag sa kanya. 13 Sapagkat, (D) “Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” 14 Ngunit paano sila tatawag sa hindi nila sinampalatayanan? Paano naman sila sasampalataya sa hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral? 15 At (E) paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? Gaya ng nasusulat, “Napakaganda ng mga paang nagdadala ng mabuting balita!”

Error: 'Awit 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 112 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 13:44-52

Ang Kayamanang Nakabaon

44 “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May kayamanang nakabaon sa isang bukid. Natuklasan ito ng isang tao at muli niya itong tinabunan. Sa kanyang tuwa ay humayo siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.

Ang Mamahaling Perlas

45 “Muli, ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. 46 Nang matagpuan niya ang isang mamahaling perlas ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas.

Ang Lambat

47 “At muli, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuhuli ng lahat ng uri ng isda. 48 Kapag puno na ito, hinihila ito ng mga tao sa dalampasigan. Nauupo sila upang piliin ang mabubuting isda at ilagay sa mga sisidlan, ngunit itinatapon ang mga hindi mapakikinabangan. 49 Ganoon ang mangyayari sa katapusan ng panahon. Magdadatingan ang mga anghel at ibubukod nila ang masasama sa matutuwid 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kayamanang Bago at Luma

51 “Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga ito?” Sumagot ang mga alagad, “Opo.” 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya't ang bawat tagapagturo ng Kautusan na sinanay para sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang imbakan ng kayamanan.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.