Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 70-71' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 74 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 22:29-45' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Corinto 2:14-3:15

14 Ngunit ang taong di-espirituwal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat kahangalan ang mga iyon sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, yamang ang mga iyon ay hinahatulan sa espirituwal na paraan. 15 Hinahatulan naman ng taong espirituwal ang lahat ng mga bagay, at hindi siya hinahatulan ng sinuman. 16 “Sapagkat sino ang nakaaalam sa pag-iisip ng Panginoon, upang magpayo sa kanya?” Subalit taglay namin[a] ang pag-iisip ni Cristo.

Mga Kamanggagawa para sa Diyos

Ngunit ako, mga kapatid, ay hindi makapagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, kundi tulad sa mga taong namumuhay ayon sa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. Pinainom ko kayo ng gatas at hindi ng pagkain para sa nasa hustong gulang, sapagkat hindi pa ninyo ito kaya. Hanggang ngayon nga ay hindi pa ninyo kaya, sapagkat kayo ay namumuhay pa ayon sa laman. Sapagkat habang sa inyo'y may mga pagseselos at mga pag-aaway, hindi ba kayo'y namumuhay ayon sa laman at lumalakad ayon sa kaugalian ng tao? Sapagkat kapag may nagsasabi, “kay Pablo ako,” at ang isa naman, “kay Apolos ako,” hindi ba asal ng mga tao iyan? Sino nga ba si Apolos? At sino si Pablo? Mga lingkod na kinasangkapan upang sumampalataya kayo, ayon sa itinakda ng Panginoon sa bawat isa. Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpapalago. Kaya't hindi ang nagtatanim o ang nagdidilig ang mahalaga, kundi ang Diyos na nagpapalago. Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay may iisang layunin, at ang bawat isa ay tatanggap ng kabayaran ayon sa kanyang pinagpaguran. Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos, at kayo ang bukid ng Diyos, at ang gusali ng Diyos.

10 Ayon sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin, na tulad sa isang mahusay na punong-tagapagtayo, naglagay ako ng saligan, at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Ang bawat isa ay mag-ingat sa kanyang pagtatayo. 11 Sapagkat walang maaaring maglagay ng ibang saligan, maliban sa nakalagay na, at ito ay si Jesu-Cristo. 12 At kung sa ibabaw ng saligang ito, ay may magtatayo ng gusali na yari sa ginto, pilak, mamahaling bato, kahoy, dayami, at pinaggapasan, 13 ang gawa ng bawat nagtayo ay mahahayag, sapagkat ibubunyag ito sa takdang araw. Ito ay mahahayag sa pamamagitan ng apoy, at ang apoy ang magpapatunay kung anong uri ng gawain ang ginawa ng bawat isa. 14 Kung ang gawang itinayo ng sinuman sa ibabaw ng saligan ay manatili, tatanggap siya ng gantimpala. 15 Kung ang gawa ng sinumang tao ay masunog, makararanas siya ng pagkalugi, bagaman siya ay maliligtas, ngunit tulad sa dumaan sa apoy.

Mateo 5:1-10

Ang Sermon sa Bundok

Nang makita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya ay lumapit ang kanyang mga alagad. Nagsimula siyang magturo sa kanila, nagsasabing:

Ang Mapapalad(A)

“Pinagpala ang mga mapagpakumbabang-loob,
    sapagkat para sa kanila ang kaharian ng langit.
Pinagpala ang mga nagdadalamhati,
    sapagkat sila ay aaliwin.
Pinagpala ang mga maamo,
    sapagkat mamanahin nila ang lupa.
Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,
    sapagkat sila'y bibigyang-kasiyahan.
Pinagpala ang mga mahabagin,
    sapagkat sila ay kahahabagan.
Pinagpala ang mga dalisay ang kalooban,
    sapagkat makikita nila ang Diyos.
Pinagpala ang mga nagsisikap para sa kapayapaan,
    sapagkat sila ay ituturing na mga anak ng Diyos.
10 Pinagpala ang mga inaapi nang dahil sa katuwiran,
    sapagkat para sa kanila ang kaharian ng langit.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.