Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 103 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Zacarias 9:9-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Zacarias 12:9-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Zacarias 13:1' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Zacarias 13:7-9' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Timoteo 6:12-16

12 Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan na siyang dahilan ng pagkatawag sa iyo nang maipahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi. 13 Inuutos ko sa iyo, sa (A) harap ng Diyos na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay, at ni Cristo Jesus na nagbigay ng mabuting patotoo sa harap ni Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti at may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Ipapakita siya ng Diyos sa takdang panahon, ang Diyos na mapagpala at tanging Makapangyarihan, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa liwanag na di-malapitan! Walang taong nakakita o makakakita sa kanya. Sumakanya nawa ang karangalan at paghaharing walang hanggan. Amen.

Mateo 21:12-17

Nilinis ni Jesus ang Templo(A)

12 Pumasok si Jesus sa templo,[a] at itinaboy niya ang lahat ng nagtitinda at namimili sa templo. Pinagbabaligtad niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 13 Sinabi (B) niya sa kanila, “Nasusulat,

‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan,’
    ngunit ginagawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”

14 Lumapit sa kanya sa templo ang mga bulag at ang mga pilay, at sila'y kanyang pinagaling. 15 Subalit nagalit ang mga punong pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga kamangha-manghang bagay na kanyang ginawa, at ang mga batang sumisigaw sa templo, nagsasabing, “Hosanna sa Anak ni David.” 16 At (C) sinabi nila sa kanya, “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo. Hindi pa ba ninyo nababasa,

    ‘Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga musmos,
    naghanda ka para sa iyong sarili ng papuring lubos?’ ”

17 Pagkatapos niyang iwan sila, lumabas siya sa lungsod papuntang Betania, at doon ay nagpalipas ng gabi.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.