Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 70-71' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 74 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Jeremias 4:9-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Jeremias 4:19-28' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 2:12-24

12 Ang lahat ng nagkasala na hindi saklaw ng Kautusan ay hahatulan nang hindi ayon sa Kautusan. At ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng Kautusan ay hahatulan ayon sa Kautusan. 13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig kundi ang tumutupad sa Kautusan ang ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos. 14 Kapag ang mga Hentil, na walang Kautusan, ay nakagagawa ng mga bagay na itinatakda ng Kautusan, dahil sa likas nilang kaalaman, ang mga ito'y nagiging Kautusan na para sa kanila bagama't wala silang Kautusan. 15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang mga puso ang mga itinatakda ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, na sa kanila'y manunumbat at magtatanggol. 16 Magaganap ito sa araw ng paghatol ng Diyos sa lihim ng mga tao sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ito'y naaayon sa ebanghelyong aking ipinapangaral.

Ang mga Judio at ang Kautusan

17 Ngayon, kung sinasabi mong ikaw ay isang Judio at nananalig sa Kautusan, at ipinagmamalaki mo ang kaugnayan mo sa Diyos, 18 ikaw na palibhasa'y naturuan sa Kautusan ay nagsasabing nakaaalam ng kanyang kalooban, at sumasang-ayon sa mabubuting bagay, 19 ang palagay mo'y tagaakay ka ng mga bulag at tanglaw ka ng mga nasa kadiliman, 20 tagapayo ng mga hangal, at tagapagturo ng mga bata, dahil natutuhan mo sa Kautusan ang pinakadiwa ng kaalaman at katotohanan, 21 ikaw na nagtuturo sa iba, bakit hindi mo turuan ang iyong sarili? Nangangaral kang huwag magnakaw, bakit ka nagnanakaw? 22 Ikaw na nagsasabing huwag mangalunya, bakit ka nangangalunya? Ikaw na nasusuklam sa mga diyus-diyosan, bakit mo ninanakawan ang mga templo? 23 Ipinagmamalaki mo ang Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng pagsuway mo sa Kautusan. 24 Gaya ng nasusulat, (A) “Nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos dahil sa inyo.”

Juan 5:19-29

Ang kapangyarihan ng Anak

19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang anumang magagawa ang Anak mula sa kanyang sarili kundi ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Sapagkat kung anuman ang ginagawa ng Ama, iyon din ang ginagawa ng Anak. 20 Sapagkat mahal ng Ama ang Anak, at ipinapakita niya sa kanya ang lahat ng ginagawa niya; at mas higit pa sa mga bagay na ito ang ipapakita ng Ama sa kanya, nang sa gayon, kayo ay mamangha. 21 At kung paanong ibinabangon at binubuhay ng Ama ang mga patay, gayon din namang bubuhayin ng Anak ang sinumang naisin niya. 22 Hindi hinahatulan ng Ama ang sinuman, ngunit ibinigay niya sa Anak ang lahat ng paghatol. 23 Sa gayon, ang lahat ay magpaparangal sa Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang sinumang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya. 24 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa salita ko at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan; hindi na siya daranas ng paghatol, sapagkat nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, darating ang oras, at ngayon na nga, kung saan maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang mga makaririnig ay mabubuhay. 26 Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ipinagkaloob din niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili, 27 at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao. 28 Huwag kayong magtaka, sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig, 29 (A)at ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay babangon tungo sa buhay, at ang mga gumawa ng masasamang bagay ay babangon tungo sa paghatol.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.