Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 122

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (A)sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (B)siksikan:
(C)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(D)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
(E)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
(F)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(G)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(H)Hahanapin ko ang iyong buti.

Esther 7

Si Aman ay binitay.

Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina.

At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak: (A)Ano ang iyong hingi, reina Esther? at ibibigay sa iyo: at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.

Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling:

Sapagka't kami ay naipagbili, (B)ako at ang aking bayan (C)upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Nguni't kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae, ako'y tumahimik, bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari.

Nang magkagayo'y nagsalita ang haring Assuero, at nagsabi kay Esther na reina: Sino siya, at saan nandoon siya, na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon?

At sinabi ni Esther, Ang isang kaaway at kaalit: itong masamang si Aman. Nang magkagayo'y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina.

At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot, at pumasok sa (D)halamanan ng bahay-hari: at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina; sapagka't nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari.

Nang magkagayo'y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther. Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman.

Nang magkagayo'y (E)sinabi ni Harbona, na isa sa kamarero na nasa harap ng hari: Narito naman, ang (F)bibitayan na may limang pung siko ang taas, na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo, na siyang nagsalita sa (G)ikabubuti ng hari, ay nakatayo sa bahay ni Aman. At sinabi ng hari, Bitayin siya roon.

10 Sa gayo'y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo. Nang magkagayo'y (H)napayapa ang kapootan ng hari.

Apocalipsis 1:9-20

Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, (A)dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.

10 Ako'y (B)nasa Espiritu (C)nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang (D)dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa (E)pitong iglesia: sa (F)Efeso, at sa (G)Smirna, at sa (H)Pergamo, at sa (I)Tiatira, at sa (J)Sardis, at sa (K)Filadelfia, at sa (L)Laodicea.

12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (M)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (N)isang katulad ng isang anak ng tao, (O)na may suot na (P)damit hanggang sa paa, at (Q)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.

14 At ang kaniyang ulo at ang (R)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (S)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (T)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (U)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.

16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.

17 At (V)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (W)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (X)ako'y ang una at ang huli,

18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (Y)nasa akin ang mga susi ng (Z)kamatayan at ng Hades.

19 Isulat mo nga (AA)ang mga bagay na nakita mo, (AB)at ang mga bagay ngayon, (AC)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;

20 Ang hiwaga (AD)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (AE)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978