Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang paskua ng Panginoon.
12 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2 Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.
3 (A)Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero,[a] ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan:
4 At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero, ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao; ayon sa bawa't tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang, sa kordero.
5 Ang inyong korderong pipiliin ay yaong (A)walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:
6 At inyong aalagaan hanggang sa (B)ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.
7 At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.
8 At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, (C)at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay.
9 Huwag ninyong kaning hilaw, o luto man sa tubig, kundi inihaw sa apoy; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob.
10 (D)At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy.
11 At ganito ninyo kakanin; may bigkis ang inyong baywang, ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa, at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay; at inyong kakaning dalidali; siyang (A)paskua ng Panginoon.
12 Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, (B)ako ang Panginoon.
13 At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.
14 At ang araw na ito'y magiging sa (C)inyo'y isang alaala, at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang (D)tuntunin magpakailan man.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (A)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (B)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (C)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (D)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (E)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (F)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
23 Sapagka't (A)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (B)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon (C)hanggang sa dumating siya.
13 Bago nga (A)magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya (B)na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan.
2 At habang humahapon, nang mailagay na (C)ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya.
3 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,
4 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.
5 Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis.
6 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?
7 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.
8 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, (D)Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.
9 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, (E)Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.
10 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat.
11 Sapagka't (F)nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.
12 Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?
13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.
14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, (G)kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.
15 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng (H)halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
16 Katotohanan, (I)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.
17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.
31 Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay (A)niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang (B)Dios ay niluluwalhati sa kaniya:
32 At luluwalhatiin siya ng (C)Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya.
33 Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at (D)gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon.
34 (E)isang bagong utos ang (F)sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.
35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao (G)na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978