Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 5:27-32

27 At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote,

28 Na sinasabi: (A)Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, (B)at ibig ninyong iparatang sa amin (C)ang dugo ng taong ito.

29 Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, (D)Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.

30 (E)Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy.

31 Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay (F)upang maging Principe at (G)Tagapagligtas, (H)upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at (I)kapatawaran ng mga kasalanan.

32 At (J)kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, (K)na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya.

Mga Awit 118:14-29

14 Ang Panginoon ay (A)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (B)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (C)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (D)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (E)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (F)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(G)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (H)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (I)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (J)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (K)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (L)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Awit 150

Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.

150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (A)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(B)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
Purihin ninyo siya (C)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (D)ng mga panugtog na kawad at ng (E)flauta.
Purihin ninyo siya ng mga (F)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
(G)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Apocalipsis 1:4-8

Si Juan sa (A)pitong iglesia na nasa Asia: (B)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (C)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (D)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;

At mula kay Jesucristo na siyang (E)saksing tapat, (F)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (G)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (H)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;

At ginawa (I)tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.

Narito, (J)siya'y pumaparitong (K)nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at (L)ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.

Ako ang Alpha (M)at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, (N)ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Juan 20:19-31

19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (A)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (B)Kapayapaan ang sumainyo.

20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (C)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.

21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (D)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.

22 At nang masabi niya ito, (E)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:

23 Sinomang inyong patawarin ng mga (F)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.

24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (G)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.

25 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, (H)Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.

26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (I)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.

27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.

28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.

29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: (J)mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.

30 Gumawa rin nga si Jesus (K)ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:

31 Nguni't ang mga ito ay nangasulat, (L)upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; (M)at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay (N)sa kaniyang pangalan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978