Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 118:1-2

Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.

118 Oh mangagpasalamat kayo (A)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Awit 118:19-29

19 (A)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(B)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (C)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (D)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (E)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (F)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (G)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Lucas 19:28-40

28 At nang masabi niyang gayon, (A)ay nagpatuloy siya sa unahan, na umahon sa Jerusalem.

29 At nangyari, (B)na nang siya'y malapit na sa Betfage at Betania, sa bundok na tinatawag na Olivo, ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,

30 Na sinasabi, Magsiyaon kayo sa inyong lakad sa katapat na nayon; sa pagpasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakatali na batang asno, na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao: kalagin ninyo siya, at dalhin ninyo siya rito.

31 At kung may sinomang tumanong sa inyo, Bakit ninyo kinakalag iyan? ganito ang inyong sasabihin, Kinakailangan siya ng Panginoon.

32 At nagsiparoon ang mga sugo at nasumpungan ng ayon sa sinabi niya sa kanila.

33 At nang kinakalag nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari niyaon, Bakit kinakalag ninyo ang batang asno?

34 At sinabi nila, Kinakailangan siya ng Panginoon.

35 At dinala nila siya kay Jesus: (C)at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno, at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon.

36 At samantalang siya'y lumalakad, ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan.

37 At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita.

38 Na sinasabi, Mapalad ang Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon: kapayapaan sa langit, (D)at kaluwalhatian sa kataastaasan.

39 (E)At ilan sa mga Fariseo na mula sa karamihan ay nangagsabi sa kaniya, Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.

40 At sumagot siya at nagsabi, Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mangagsiimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw.

Isaias 50:4-9

Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, (A)upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. (B)Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.

Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (C)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.

(D)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (E)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.

Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't (F)inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, (G)at talastas ko na hindi ako mapapahiya.

Siya'y malapit (H)na nagpapatotoo sa akin; (I)sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.

Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? (J)narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin (K)sila ng tanga.

Mga Awit 31:9-16

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (A)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (B)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (C)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (D)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (E)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (F)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (G)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (H)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.

Filipos 2:5-11

Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na (A)ito'y na kay Cristo Jesus din naman:

Na siya, bagama't (B)nasa anyong Dios, (C)ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,

Kundi bagkus (D)hinubad niya ito, (E)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:

At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (F)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

(G)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (H)Dios, at (I)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang (J)lahat ng tuhod, ng (K)nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay (L)Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

Lucas 22:14-23:56

14 At nang dumating ang oras, ay (A)naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya.

15 At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap:

16 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, (B)hanggang sa ito'y maganap (C)sa kaharian ng Dios.

17 At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin:

18 Sapagka't sinasabi ko (D)sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios.

19 At siya'y dumampot ng tinapay, (E)at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

21 Datapuwa't (F)narito, ang kamay ng nagkakanulo sa akin, ay kasalo ko sa dulang.

22 Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya!

23 At sila'y nagpasimulang nangagtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.

24 At nagkaroon naman (G)ng isang pagtatalotalo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila.

25 At kaniyang sinabi sa kanila, (H)Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila; at ang mga may kapamahalaan sa kanila'y tinatawag na mga Tagapagpala.

26 Datapuwa't sa inyo'y hindi gayon: (I)kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya (J)ng naglilingkod.

27 Sapagka't alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa't ako'y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod.

28 Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin (K)sa mga pagtukso sa akin;

29 At kayo'y inihahalal kong (L)isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,

30 (M)Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; (N)at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.

31 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni (O)Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

32 Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik (P)ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung (Q)makapagbalik ka nang muli, ay (R)papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

33 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at (S)sa kamatayan.

34 At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, (T)Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.

35 At sinabi niya sa kanila, (U)Nang kayo'y suguin ko na walang (V)supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi.

36 At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak.

37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, (W)At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may (X)katuparan.

38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.

39 At siya'y lumabas, (Y)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (Z)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.

41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,

42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.

43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.

44 At nang siya'y nanglulumo ay (AA)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.

45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,

46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (AB)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.

47 (AC)Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.

48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?

49 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami (AD)ng tabak?

50 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.

51 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggan dito. At (AE)hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.

52 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga (AF)punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?

53 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang (AG)inyong oras, at (AH)ang kapangyarihan ng kadiliman.

54 At kanilang dinakip siya, at (AI)dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. (AJ)Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro.

55 (AK)At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng (AL)looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila.

56 At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya.

57 Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala.

58 At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.

59 At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo.

60 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok.

61 At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, (AM)Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.

62 At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.

63 (AN)At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay.

64 At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas?

65 At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.

66 At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,

67 Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:

68 At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.

69 Datapuwa't (AO)magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.

70 At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang (AP)Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi (AQ)na ako nga.

71 At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.

23 At nagsitindig ang buong kapulungan (AR)nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.

At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at (AS)ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi (AT)na siya rin nga ang Cristo, ang hari.

At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.

At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, (AU)Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.

Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.

Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.

At nang maunawa na siya'y (AV)nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.

Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.

At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.

10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.

11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, (AW)at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](AX)

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (AY)pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, (AZ)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

26 At nang siya'y kanilang dalhin (BA)ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.

28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

29 Sapagka't (BB)narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.

30 Kung magkagayon (BC)ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa (BD)punong kahoy na sariwa, (BE)ano kaya ang gagawin sa tuyo?

32 At dinala rin naman na (BF)kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.

33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

34 At sinabi ni Jesus, (BG)Ama, (BH)patawarin mo sila; sapagka't (BI)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (BJ)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.

35 At nakatayong nanonood (BK)ang bayan. At tinutuya naman siya (BL)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,

37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 At (BM)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 At siya'y inalipusta ng (BN)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?

41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.

42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (BO)Paraiso.

44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,

45 (BP)At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna (BQ)ang tabing ng templo.

46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, (BR)Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.

47 At nang (BS)makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay (BT)nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

49 At ang lahat ng mga kakilala niya (BU)at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.

50 At narito ang isang lalaking (BV)nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid

51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, (BW)na naghihintay ng kaharian ng Dios;

52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, (BX)na doo'y wala pang nalilibing.

54 At noo'y araw ng (BY)Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.

55 At ang mga babae, (BZ)na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento.

At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga (CA)ayon sa utos.

Lucas 23:1-49

23 At nagsitindig ang buong kapulungan (A)nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.

At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at (B)ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi (C)na siya rin nga ang Cristo, ang hari.

At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.

At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, (D)Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.

Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.

Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.

At nang maunawa na siya'y (E)nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.

Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.

At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.

10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.

11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, (F)at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](G)

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (H)pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, (I)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

26 At nang siya'y kanilang dalhin (J)ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.

28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

29 Sapagka't (K)narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.

30 Kung magkagayon (L)ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa (M)punong kahoy na sariwa, (N)ano kaya ang gagawin sa tuyo?

32 At dinala rin naman na (O)kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.

33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

34 At sinabi ni Jesus, (P)Ama, (Q)patawarin mo sila; sapagka't (R)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (S)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.

35 At nakatayong nanonood (T)ang bayan. At tinutuya naman siya (U)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,

37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 At (V)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 At siya'y inalipusta ng (W)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?

41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.

42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (X)Paraiso.

44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,

45 (Y)At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna (Z)ang tabing ng templo.

46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, (AA)Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.

47 At nang (AB)makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay (AC)nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

49 At ang lahat ng mga kakilala niya (AD)at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978