Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(A)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2 Saklolohan ka mula sa (B)santuario,
At palakasin ka mula sa (C)Sion;
3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 (D)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5 Kami ay (E)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (F)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (G)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 (H)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(I)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8 Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9 Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.
Ang talinhaga ni Jotham.
7 At nang kanilang saysayin kay Jotham, siya'y yumaon at tumayo sa taluktok ng (A)bundok Gerizim, at inilakas ang kaniyang tinig, at sumigaw, at sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga lalake sa Sichem, upang dinggin kayo ng Dios.
8 (B)Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan; at kanilang sinabi sa puno ng olibo, (C)Maghari ka sa amin.
9 Nguni't sinabi ng puno ng olibo sa kanila, (D)Akin bang iiwan ang aking katabaan, na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao, (E)at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
10 At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos, Halika, at maghari ka sa amin.
11 Nguni't sinabi ng puno ng igos sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katamisan, at ang aking mabuting bunga, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
12 At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas, Halika, at maghari ka sa amin.
13 At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, (F)Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
14 Nang magkagayo'y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag, Halika, at maghari ka sa amin.
15 At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking (G)lilim: at kung hindi ay labasan ng (H)apoy ang dawag at pugnawin ang mga (I)sedro ng Libano.
18 Mumunting mga anak, (A)ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang (B)anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.
19 Sila'y nangagsilabas sa atin, (C)nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin (D)ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, (E)upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
20 At (F)kayo'y may pahid ng Banal, at (G)nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay.
21 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi (H)dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.
22 Sino ang sinungaling (I)kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.
23 Ang sinomang (J)tumatanggi sa Anak, (K)ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.
24 Tungkol sa inyo, ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula. Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo (L)naman ay mananahan sa Anak, at sa Ama.
25 At ito ang pangakong (M)kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.
26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.
27 At tungkol sa inyo, ang (N)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (O)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.
28 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, (P)kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, (Q)at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978