Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (A)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
2 Parang (B)mahalagang langis (C)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
3 Gaya ng hamog sa (D)Hermon,
Na tumutulo sa mga (E)bundok ng Sion:
Sapagka't (F)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
Ang nakalimutang panaginip ng hari at ang kaniyang bala.
2 At (A)nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.
2 Nang magkagayo'y (B)ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga (C)Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.
3 At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.
4 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.
5 Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y (D)pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.
6 Nguni't (E)kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.
7 Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.
8 Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.
9 Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.
10 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.
11 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, (F)liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.
12 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat (G)na pantas na tao sa Babilonia.
13 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.
Si Daniel ay humingi ng panahon; nagkaroon ng panaginip.
14 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;
15 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.
16 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.
17 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay (H)Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:
18 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.
19 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.
20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, (I)Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.
21 At kaniyang binabago (J)ang mga panahon at mga kapanahunan; (K)siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng (L)kaalaman sa makakaalam ng unawa;
22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at (M)ang liwanag ay tumatahang kasama niya.
23 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na (N)Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.
23 At nang sila'y mangapakawalan na, ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan, at iniulat ang lahat ng sa kanila'y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda.
24 At sila, nang kanilang marinig ito, ay (A)nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon:
25 Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo,
(B)Bakit nangagalit ang mga Gentil,
At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa,
At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan,
Laban sa Panginoon, at laban sa kaniyang Pinahiran.
27 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y (C)laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, (D)na siya mong pinahiran, ang dalawa ni (E)Herodes at ni (F)Poncio Pilato, kasama (G)ng mga Gentil at ng (H)mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan,
28 Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay (I)at ng iyong pasiya upang mangyari.
29 At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan,
30 Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan (J)sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.
31 At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig (K)ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat (L)ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978