Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:9-16

BETH.

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (A)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(B)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (C)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (D)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

Hagai 2:1-9

Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.

(A)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

Salitain mo ngayon kay (B)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (C)nalabi sa bayan, na sabihin mo,

Sino ang nananatili (D)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?

Gayon ma'y magpakalakas ka (E)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (F)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Ayon (G)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (H)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (I)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (J)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

At aking uugain (K)ang lahat na bansa; (L)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (M)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

(N)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang huling kaluwalhatian (O)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (P)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Hagai 2:20-23

Ang pangako ng Panginoon.

20 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,

21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, (A)Aking uugain ang langit at ang lupa;

22 At (B)aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; (C)at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang (D)bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, (E)at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili (F)kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Juan 12:34-50

34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa (A)kautusan (B)na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?

35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (C)sasagitna ninyo ang ilaw. (D)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (E)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.

36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.

Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (F)siya'y umalis at nagtago sa kanila.

37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:

38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita,

(G)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?

39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,

40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (H)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.

41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (I)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.

42 Gayon man (J)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (K)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:

43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.

44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.

45 At (L)ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.

46 Ako'y (M)naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.

47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, (N)ay hindi ko siya hinahatulan: (O)sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.

48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: (P)ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol (Q)sa huling araw.

49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, (R)kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978