Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 118:1-2

Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.

118 Oh mangagpasalamat kayo (A)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Awit 118:14-24

14 Ang Panginoon ay (A)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (B)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (C)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (D)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (E)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (F)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(G)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (H)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.

Genesis 1:1-19

Nilalang ng Dios ang sanglibutan.

Nang (A)pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

At ang lupa ay walang anyo at (B)walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.

At sinabi ng Dios (C)Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.

At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.

At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.

At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.

At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.

At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.

At sinabi ng Dios, (D)Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.

10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.

11 At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.

12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti.

13 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.

14 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:

15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.

16 At nilikha ng (E)Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.

17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,

18 (F)At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.

19 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.

1 Corinto 15:35-49

35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?

36 Ikaw na mangmang, (A)ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:

37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;

38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.

39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.

40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.

41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.

42 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na (B)may kasiraan; binubuhay na maguli na (C)walang kasiraan;

43 Itinatanim na (D)may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:

44 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may (E)katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.

45 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si (F)Adam ay naging kaluluwang buhay. (G)Ang huling Adam ay naging (H)espiritung nagbibigay buhay.

46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.

47 Ang unang tao (I)ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.

48 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: (J)at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.

49 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay (K)tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978