Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
19 (A)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(B)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (C)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (D)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (E)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (F)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (G)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Ang kapayapaan at kaligayahan ay babalik sa Jerusalem.
33 Bukod dito'y dumating na ikalawa ang salita ng Panginoon kay Jeremias, samantalang (A)nakukulong pa siya sa looban ng bantayan, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na gumagawa niyaon, ng Panginoon na umaanyo niyaon upang itatag; Panginoon ay siyang kaniyang pangalan:
3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga bahay ng bayang ito, at tungkol sa mga bahay ng mga hari sa Juda na nangabagsak upang gawing sanggalangan laban (B)sa mga bunton at laban sa tabak;
5 Sila'y nagsisidating upang magsilaban sa mga Caldeo, nguni't upang sila'y mangapuno ng mga bangkay ng mga tao, na aking pinatay sa aking galit at sa aking kapusukan, at dahil sa lahat ng kasamaang yaon ay (C)ikinubli ko ang aking mukha sa bayang ito:
6 Narito, (D)ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan.
7 At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda, at ang nangabihag sa Israel, at (E)aking itatayo sila na gaya nang una.
8 At aking (F)lilinisin sila sa lahat nilang kasamaan, na kanilang pinagkasalahan laban sa akin; at aking ipatatawad ang lahat nilang kasamaan na kanilang ipinagkasala laban sa akin, at kanilang ikinasalangsang laban sa akin.
9 At ang bayang ito ay magiging (G)pinakapangalan ng kagalakan sa akin, pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian, sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila, at (H)mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya.
12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may (A)takot at panginginig;
13 Sapagka't (B)Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.
14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:
15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, (C)mga anak ng Dios na walang dungis (D)sa gitna ng isang lahing (E)liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong (F)tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
16 Na nagpapahayag (G)ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri (H)ako sa kaarawan ni Cristo, na (I)hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan (J)ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
17 Oo, kahit (K)ako'y maging hain sa paghahandog (L)at paglilingkod ng inyong pananampalataya, (M)ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:
18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978