Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
19 (A)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(B)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (C)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (D)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (E)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (F)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (G)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Ang paskua sa Panginoon.
16 Magdidiwang ka sa (A)buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka't (B)sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi.
2 (C)At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, (D)sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.
3 Huwag kang kakain sa paskua ng tinapay na may lebadura; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na walang lebadura, ang tinapay ng pagkapighati; sapagka't umalis kang (E)madalian sa lupain ng Egipto: upang iyong maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
4 (F)At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan; ni sa anomang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay (G)walang maiiwan sa buong gabi, hanggang sa umaga;
5 Hindi mo maihahain ang paskua sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios:
6 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan, ay doon mo ihahain ang paskua (H)sa pagtatakip silim, sa paglubog ng araw, sa panahon na iyong inialis sa Egipto.
7 (I)At iyong iihawin at kakanin sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios; at ikaw ay babalik sa kinaumagahan, at uuwi sa iyong mga tolda.
8 Anim na araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura: at sa (J)ikapitong araw ay magkakaroon ka ng takdang pagpupulong sa Panginoon mong Dios: huwag kang gagawa ng anomang gawa sa araw na iyan.
2 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, (A)kung mayroong anomang (B)mahinahong awa at habag,
2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, (C)upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;
3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng (D)pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi (E)sa kababaan ng pagiisip, (F)na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
4 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang (G)bawa't isa naman ay sa iba't iba.
5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na (H)ito'y na kay Cristo Jesus din naman:
6 Na siya, bagama't (I)nasa anyong Dios, (J)ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
7 Kundi bagkus (K)hinubad niya ito, (L)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (M)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9 (N)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (O)Dios, at (P)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang (Q)lahat ng tuhod, ng (R)nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay (S)Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978