Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
4 (A)At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula (B)upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.
5 (C)At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: (D)Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.
6 At (E)ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.
7 (F)At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay (G)nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; (H)idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.
9 At (I)si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
IKALIMANG AKLAT
Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.
107 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
(C)Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3 At (D)mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
17 (A)Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa (B)mga pintuan ng kamatayan,
19 (C)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20 (D)Sinugo niya ang kaniyang salita, at (E)pinagaling sila,
At (F)iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21 (G)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22 At (H)mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
2 At kayo'y binuhay niya, (A)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
2 Na inyong nilakaran (B)noong una ayon sa (C)lakad ng sanglibutang ito, ayon (D)sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa (E)mga anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa (F)mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at (G)tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—
4 Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5 Bagama't (H)tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, (I)tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
6 At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya (J)sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
8 Sapagka't sa biyaya (K)kayo'y nangaligtas (L)sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, (M)ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, (N)upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, (O)na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
14 At (A)kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang (B)itaas ang Anak ng tao;
15 Upang ang sinomang sumampalataya ay (C)magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.
16 Sapagka't gayon na lamang (D)ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na (E)ibinigay niya ang kaniyang (F)bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios (G)ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; (H)kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay (I)hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
19 At ito ang kahatulan, (J)na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao (K)ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.
20 Sapagka't ang (L)bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.
21 Datapuwa't ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978