Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David: nang si (A)Nathan na propeta, ay dumating sa kaniya, pagkatapos na siya'y makapasok kay Bath-seba.
51 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan (C)ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2 (D)Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
At linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Sapagka't (E)kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 (F)Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
(G)Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
5 (H)Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 (I)Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis:
Hugasan mo ako (J)at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang (K)ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;
At (L)magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa (M)iyong harapan;
(N)At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas:
At alalayan ako (O)ng kusang espiritu.
Ang dambana ng kamangyan.
30 At gagawa ka ng isang (A)dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.
2 Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
3 At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang (B)kornisang ginto sa palibot.
4 At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang (C)mabuhat.
5 At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.
6 At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, (D)sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
7 At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang (E)inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.
8 At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.
9 Huwag kayong maghahandog ng ibang (F)kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.
10 At si Aaron ay tutubos ng sala (G)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (H)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.
14 Yaman ngang tayo'y mayroong (A)isang lubhang dakilang saserdote, (B)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (C)ingatan nating matibay ang ating (D)pagkakilala.
15 Sapagka't tayo'y (E)walang isang dakilang saserdote (F)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (G)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (H)gayon ma'y walang kasalanan.
16 (I)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
5 Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, (J)ay inilagay dahil sa mga tao (K)sa mga bagay na nauukol sa Dios, (L)upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:
2 Na makapagtitiis na may kaamuan (M)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (N)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;
3 At (O)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.
4 (P)At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na (Q)gaya ni Aaron.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978