Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Version
Salmo 89:1-4

Ang Kasunduan ng Dios kay David

89 Panginoon, aawitin ko ang tungkol sa inyong tapat na pag-ibig magpakailanman.
    Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi ang inyong katapatan.
Ipapahayag ko na matatag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at mananatili gaya ng kalangitan.
At inyong sinabi, “Gumawa ako ng kasunduan sa aking lingkod na si David na aking pinili upang maging hari.
    Ito ang ipinangako ko sa kanya:
Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi;
    ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”

Salmo 89:19-26

19 Noon, nagsalita kayo sa inyong mga tapat na lingkod sa pamamagitan ng pangitain.
    Sinabi nʼyo, “May hinubog akong isang mandirigma.
    Pinili ko siya mula sa mga karaniwang tao,
    at ginawang hari.
20 Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis.
21 Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya.
22 Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway.
    Hindi magtatagumpay laban sa kanya ang masasama.
23 Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway,
    at lilipulin ang mga may galit sa kanya.
24 Mamahalin ko siya at dadamayan.
    At sa pamamagitan ng aking kapangyarihan
    ay magtatagumpay siya.
25 Paghahariin ko siya mula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Ilog ng Eufrates.[a]
26 Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama at Dios;
    kayo ang bato na aking kanlungan at kaligtasan.’

2 Samuel 6:12-19

12 Ngayon, nabalitaan ni Haring David na pinagpala ng Panginoon ang sambahayan ni Obed Edom at ang lahat ng pag-aari nito dahil sa Kahon ng Dios. Kaya pumunta siya sa bahay nito at kinuha ang Kahon ng Dios at dinala sa Jerusalem nang may kagalakan. 13 Nang makaanim na hakbang na ang mga nagbubuhat ng Kahon ng Panginoon, pinahinto sila ni David at naghandog siya ng isang toro at isang pinatabang guya. 14 At sumayaw si David nang buong sigla sa presensya ng Panginoon na nakasuot ng espesyal na damit[a] na gawa sa telang linen. 15 Habang dinadala ni David at ng mga Israelita ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, nagsisigawan sila at umiihip ng trumpeta.

16 Nang papasok na ng lungsod ang Kahon ng Panginoon, dumungaw sa bintana si Mical na anak ni Saul. Nakita niyang nagtatatalon at nagsasasayaw si Haring David sa presensya ng Panginoon, at ikinahiya niya ang ginawa nito. 17 Inilagay nila ang Kahon ng Panginoon sa loob ng toldang ipinatayo ni David para rito. Pagkatapos, nag-alay siya sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon.[b] 18 Pagkatapos niyang maghandog, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ng Panginoong Makapangyarihan. 19 Binigyan niya ng tinapay, karne[c] at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae. Pagkatapos, umuwi sila sa kani-kanilang mga bahay.

Hebreo 1:5-14

Sapagkat kailanman, wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Dios ng ganito:

    “Ikaw ang Anak ko,
    at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.”[a]

At wala ring sinabihan ang Dios nang ganito sa sinumang anghel:

    “Akoʼy magiging Ama niya,
    at siyaʼy magiging Anak ko.”[b]

At nang isusugo na ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa mundo, sinabi niya,

    “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Dios.”[c]

Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:

    “Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.
    Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”[d]

Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:

    “O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.
Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama.
    Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”[e]

10 At sinabi pa niya sa kanyang Anak,

“Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan.
11 Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman.
    Maluluma itong lahat tulad ng damit.
12 Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit.
Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”[f]

13 Kailanmaʼy hindi sinabi ng Dios sa sinumang anghel:

    “Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo[g] ang mga kaaway mo.”[h]

14 Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Dios, at sinusugo niya para tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®