Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Josue 3:7-17

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, (A)na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.

At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.

At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.

10 At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buháy na (B)Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang (C)Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo.

11 Narito, ang kaban ng tipan ng (D)Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan.

12 Ngayon nga ay kumuha kayo ng (E)labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake (F)sa bawa't lipi.

13 At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at (G)magiisang bunton.

Ang bayan ay tumawid sa Jordan.

14 At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng (H)kaban ng tipan;

15 At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng (I)Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong (J)panahon ng pagaani,)

16 Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng (K)Sarethan: at yaong nagsisibaba sa (L)dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: (M)at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico.

17 At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan (N)ang buong bansa.

Mga Awit 107:1-7

IKALIMANG AKLAT

Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.

107 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
(C)Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
At (D)mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
Sila'y nagsilaboy (E)sa ilang, sa ulilang landas;
Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
Gutom at uhaw,
Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
(F)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
Pinatnubayan naman niya sila sa (G)matuwid na daan,
Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.

Mga Awit 107:33-37

33 Kaniyang (A)pinapagiging ilang ang mga ilog,
At uhaw na lupa ang mga bukal:
34 Na maalat na ilang (B)ang mainam na lupain,
Dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang,
At mga bukal ang tuyong lupain.
36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom,
Upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan,
At magtamo ng mga bunga na pakinabang.

1 Tesalonica 2:9-13

Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming (A)pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.

10 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:

11 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na (B)gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,

12 Upang kayo'y (C)magsilakad ng nararapat sa Dios, (D)na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.

13 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang (E)inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na (F)hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.

Mateo 23:1-12

23 Nang magkagayo'y (A)nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,

Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo (B)sa luklukan ni Moises.

Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.

Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan (C)at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.

Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa (D)upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga (E)pilakteria, at nangagpapalapad ng mga (F)laylayan ng kanilang mga damit,

At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,

At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.

Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong (G)guro, at kayong lahat ay magkakapatid.

At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: (H)sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.

10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.

11 Datapuwa't (I)ang pinakadakila sa inyo ay magiging (J)lingkod ninyo.

12 At sinomang nagmamataas (K)ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978