Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
IKAAPAT NA AKLAT
Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.
90 (A)Panginoon, (B)ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
2 (C)Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, (D)Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
4 (E)Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
5 Iyong dinadala sila na parang baha; (F)sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay (G)parang damo sila na tumutubo.
6 (H)Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
13 (A)Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At (B)iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 (C)Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 (D)At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At (E)iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue[a] na anak ni Nun.
45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:
46 At kaniyang sinabi sa kanila, (A)Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.
47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; (B)sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.
39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at (A)ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.
40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, (B)upang kayo'y magkaroon ng buhay.
41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao.
42 Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.
43 Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung (C)iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.
44 Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?
45 Huwag ninyong isiping (D)ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.
46 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; (E)sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.
47 Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay (F)paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978