Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
VAU.
41 (A)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (B)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (C)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
Pagkamatay ni Aaron.
38 At si Aaron na saserdote ay (A)sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
39 At si Aaron ay may (B)isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
8 Gayon man kung inyong ganapin (A)ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, (B)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti:
9 Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.
10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, (C)ay nagiging makasalanan sa lahat.
11 Sapagka't ang nagsabi, (D)Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan.
12 Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan (E)ng kautusan ng kalayaan.
13 Sapagka't ang (F)paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978