Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 20:1-4

Ibinigay ang sangpung utos.

20 (A)At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,

(B)Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

(C)Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

(D)Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

Exodo 20:7-9

(A)Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

(B)Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

(C)Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.

Exodo 20:12-20

12 (A)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

13 (B)Huwag kang papatay.

14 (C)Huwag kang mangangalunya.

15 Huwag kang magnanakaw.

16 (D)Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

17 (E)Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, (F)huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Ang mga tao ay natakot.

18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na (G)umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.

19 At sinabi nila kay Moises, (H)Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't (I)huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.

20 At sinabi ni Moises sa bayan, (J)Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito (K)upang subukin kayo, (L)at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.

Mga Awit 19

Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

19 Ang (A)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(B)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
(C)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(D)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (E)patotoo ng Panginoon ay tunay, (F)na nagpapapantas sa hangal.
Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(G)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (H)na nagpapaliwanag ng mga mata.
Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (I)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(J)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(K)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (L)ng kaniyang mga kamalian?
(M)Paliwanagan mo ako (N)sa mga kubling kamalian.
13 (O)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(P)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (Q)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (R)manunubos.

Filipos 3:4-14

Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:

Na tinuli ng ikawalong araw, (A)mula sa lahi ng Israel, (B)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (C)Fariseo;

Tungkol (D)sa pagsisikap, (E)ay manguusig sa iglesia; (F)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.

Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.

Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (G)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,

At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (H)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (I)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:

10 Upang makilala ko siya, at (J)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (K)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;

11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

12 Hindi sa ako'y (L)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.

13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (M)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (N)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,

14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (O)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.

Mateo 21:33-46

33 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: (A)May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at (B)humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.

34 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.

35 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila (C)ang isa, at (D)ang isa'y pinatay, at (E)ang isa'y binato.

36 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.

37 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.

38 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito (F)ang tagapagmana; (G)halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.

39 At siya'y hinawakan nila, at (H)itinaboy (I)siya sa ubasan, at pinatay siya.

40 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?

41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, (J)at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,

(K)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?

43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (L)Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.

44 At ang (M)mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.

45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan.

46 (N)At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay (O)nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito (P)na siya'y propeta.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978