Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
ZAIN.
49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (A)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (B)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (C)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (D)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (E)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
22 Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. (A)At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.
23 At nangyari, (B)nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy, ay lumapit kayo sa akin, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga pangulo sa inyong mga lipi, at ang inyong mga matanda;
24 At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang (C)kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay nakikipag-usap sa tao, at siya'y (D)buháy.
25 Ngayon nga, bakit kami mamamatay? sapagka't pupugnawin kami ng dakilang apoy na ito: (E)kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios, ay mamamatay nga kami.
26 Sapagka't (F)sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buháy na Dios na nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuháy?
27 Lumapit ka, at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios: at (G)iyong salitain sa amin, yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating Dios; at aming didinggin, at gagawin.
28 At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, nang kayo'y magsalita sa akin; at sinabi ng Panginoon sa akin, Aking narinig ang tinig ng mga salita ng bayang ito, na kanilang sinalita sa iyo; (H)mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat na kanilang sinalita.
29 (I)Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito, na sila'y matakot sa akin, at kanilang ingatan kailan man ang (J)lahat ng aking mga utos upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailan man!
30 Yumaon ka, sabihin mo sa kanila, Magsibalik kayo sa inyong mga tolda.
31 Nguni't tungkol sa iyo, matira ka rito sa akin, at (K)aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iyong ituturo sa kanila, upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin.
32 Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.
33 (L)Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, (M)upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.
Ang Israel ay pinaalalahanan upang maging tapat sa Panginoon.
6 Ito nga (N)ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:
2 (O)Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios, na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniutos sa iyo, sa iyo, at sa iyong anak, at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay; at (P)upang ang iyong mga araw ay lumawig.
3 Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo'y dumaming maigi, na (Q)gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang, sa (R)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
17 Kaya't kung ang sinoman ay na (A)kay Cristo, (B)siya'y bagong nilalang: (C)ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, (D)na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa (E)pagkakasundo;
19 Sa makatuwid baga'y, na ang (F)Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
20 (G)Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, (H)na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan (I)ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y (J)katuwiran ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978