Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
IKAAPAT NA AKLAT
Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.
90 (A)Panginoon, (B)ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
2 (C)Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, (D)Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
4 (E)Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
5 Iyong dinadala sila na parang baha; (F)sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay (G)parang damo sila na tumutubo.
6 (H)Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
13 (A)Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At (B)iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 (C)Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 (D)At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At (E)iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
Ang awit ni Moises.
32 Makinig kayo, (A)mga langit, at ako'y magsasalita,
At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
2 Ang aking aral ay (B)papatak na parang ulan;
Ang aking salita ay bababa na parang hamog;
(C)Gaya ng ambon sa malambot na damo,
At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:
3 Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon:
(D)Dakilain ninyo ang ating Dios.
4 Siya (E)ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal;
Sapagka't lahat (F)niyang daan ay kahatulan:
(G)Isang Dios na tapat at walang kasamaan,
Matuwid at banal siya.
5 Sila'y nagpakasamá, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan;
Mga tampalasan at likong (H)lahi.
6 Ganyan ba ninyo (I)ginaganti ang Panginoon,
O mangmang na bayan at hindi pantas?
Hindi ba siya ang (J)iyong ama na tumangkilik (K)sa iyo?
(L)Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.
7 Alalahanin mo ang mga araw ng una,
Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi:
(M)Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo;
Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.
8 (N)Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana,
Nang kaniyang (O)ihiwalay ang mga anak ng tao,
Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan
Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
9 Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan;
Si Jacob ang bahaging mana niya.
10 Kaniyang nasumpungan (P)sa isang ilang sa lupain,
At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap,
(Q)Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
11 (R)Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad,
Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay,
Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha,
Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:
12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya,
At walang ibang dios na kasama siya.
13 (S)Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa,
At siya'y kumain ng tubo sa bukid;
At kaniyang pinahitit ng (T)pulot na mula sa bato,
At ng langis na mula sa batong pinkian;
14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa,
(U)Na may taba ng mga kordero,
At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing,
Na may taba ng mga butil ng trigo;
At (V)sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
18 (A)Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka,
At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8 Pangungusap na magaling, (A)na di mahahatulan; (B)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan (A)at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;
13 Na hintayin yaong (B)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (C)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
14 Na siyang (D)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (E)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (F)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. (G)Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978