Old/New Testament
Parurusahan ng Diyos ang Damasco
17 Isang(A) pahayag tungkol sa Damasco.
Narito, ang Damasco ay hindi na magiging lunsod,
at magiging isang buntong sira.
2 Ang mga lunsod ng Aroer ay napapabayaan;[a]
iyon ay magiging para sa mga kawan,
na hihiga, at walang mananakit sa kanila.
3 Ang kuta ay mawawala sa Efraim,
at ang kaharian sa Damasco;
at ang nalabi sa Siria ay magiging
gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Sa araw na iyon,
ang kaluwalhatian ng Jacob ay ibababa,
at ang katabaan ng kanyang laman ay mangangayayat.
5 At ito'y magiging gaya nang kapag tinitipon ng mang-aani ang nakatayong trigo,
at ginagapas ng kanyang kamay ang mga uhay;
oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay
sa Libis ng Refaim.
6 Gayunma'y maiiwan doon ang mga pinulot,
gaya ng kapag niyugyog ang puno ng olibo—
na dalawa o tatlong bunga
ay naiiwan sa dulo ng kataas-taasang sanga,
apat o lima
sa mga sanga ng mabungang punungkahoy, sabi ng Panginoong Diyos ng Israel.
Matatapos ang Pagsamba sa mga Diyus-diyosan
7 Sa araw na iyon ay pahahalagahan ng mga tao ang Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay titingin sa Banal ng Israel.
8 Hindi nila pahahalagahan ang mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, at hindi sila titingin sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga sagradong poste,[b] o sa mga altar ng insenso.
9 Sa araw na iyon, ang kanilang matitibay na lunsod ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan dahil sa mga anak ni Israel; at magiging wasak.
10 Sapagkat kinalimutan mo ang Diyos ng iyong kaligtasan,
at hindi mo inalala ang Malaking Bato ng iyong kanlungan.
Kaya't bagaman nagtatanim ka ng mabubuting pananim,
at naglagay ka ng ibang sangang pananim.
11 Bagaman sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong inalagaan,
at pinamumulaklak mo ang mga iyon sa kinaumagahan,
gayunma'y mawawala ang ani
sa araw ng kalungkutan at walang lunas na hapdi.
12 Ah, ang ingay ng maraming bansa,
na umuugong na gaya ng ugong ng mga dagat;
Ah, ang ingay ng mga bansa,
na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng malakas na mga tubig!
13 Ang mga bansa ay umuugong na parang agos ng maraming tubig,
ngunit sila'y sasawayin niya, at sila'y magsisitakas sa malayo,
at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin,
at gaya ng ipu-ipong alabok sa harap ng bagyo.
14 Sa gabi, ay narito ang nakakatakot!
At bago dumating ang umaga, ay wala na sila!
Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin,
at ang kapalaran nila na nagnakaw sa atin.
18 Ah,(B) ang lupain ng pakpak na pumapagaspas,
na nasa kabila ng mga ilog ng Etiopia;
2 na nagpapadala ng mga sugo sa gilid ng Nilo,
sa mga sasakyang-papiro sa ibabaw ng karagatan!
Humayo kayo, maliliksing sugo,
sa bansang mataas at patag,
sa bayang kinatatakutan sa malayo at malapit;
isang bansang makapangyarihan at nananakop,
na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
3 Kayong lahat na nananahan sa sanlibutan,
at kayong mga naninirahan sa lupa,
kapag ang isang hudyat ay itinaas sa mga bundok, ay inyong tingnan!
Kapag ang trumpeta ay hinipan, makinig kayo!
4 Sapagkat ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin,
“Ako'y tahimik na titingin mula sa aking tinitirhan,
gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw,
gaya ng ulap na hamog sa init ng pag-aani.”
5 Sapagkat bago mag-ani, kapag ang pamumulaklak ay tapos na,
at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog,
kanyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong,
at ang nakaladlad na mga sanga ay kanyang puputulin.
6 Ang mga iyon ay pawang maiiwan
sa mga ibong mandaragit sa mga bundok,
at sa mga hayop sa lupa.
At kakainin ang mga iyon ng mga ibong mandaragit sa panahon ng tag-init,
at kakainin ang mga iyon ng lahat na hayop sa lupa sa taglamig.
7 Sa panahong iyon ay dadalhin ang mga kaloob sa Panginoon ng mga hukbo
ng mga taong matataas at makikisig,
at mula sa bayang kinatatakutan sa malapit at malayo;
isang bansang makapangyarihan at nananakop,
na ang lupain ay hinahati ng mga ilog,
sa Bundok ng Zion, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo.
Parurusahan ang Ehipto
19 Isang(C) pahayag tungkol sa Ehipto.
Tingnan ninyo, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling ulap,
at patungo sa Ehipto,
at ang mga diyus-diyosan ng Ehipto ay manginginig sa kanyang harapan,
at ang puso ng Ehipto ay manlulumo sa gitna niyon.
2 Aking kikilusin ang mga Ehipcio laban sa mga Ehipcio;
at sila'y maglalaban, bawat tao laban sa kanyang kapatid,
at bawat tao laban sa kanyang kapwa,
lunsod laban sa lunsod, at kaharian laban sa kaharian.
3 Ang diwa ng mga Ehipcio ay mauubos sa gitna niyon;
at aking guguluhin ang kanilang mga panukala;
at sasangguni sila sa mga diyus-diyosan, at sa mga engkantador,
at sa mga sumasangguni sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.
4 Aking ibibigay ang mga Ehipcio
sa kamay ng mabagsik na panginoon;
at mabangis na hari ang maghahari sa kanila,
sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Ang tubig ng Nilo ay matutuyo,
at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.
6 Ang mga ilog ay babaho;
ang mga batis ng Ehipto ay huhupa at matutuyo,
ang mga tambo at mga talahib ay matutuyo.
7 Magkakaroon ng mga walang tanim na dako sa pampang ng Nilo,
sa baybayin ng Nilo,
at lahat ng inihasik sa tabi ng Nilo ay matutuyo,
matatangay, at mawawala.
8 Ang mga mangingisda ay tatangis,
lahat ng naglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis,
at manghihina silang naglaladlad ng mga lambat sa tubig.
9 Ang mga gumagawa ng tela ay mawawalan ng pag-asa,
at ang humahabi ng puting damit ay manghihina.
10 Ang mga haligi ng lupain ay madudurog,
at ang lahat na nagpapaupa ay magdadalamhati.
11 Ang mga pinuno ng Zoan ay lubos na hangal;
ang matatalinong tagapayo ni Faraon ay nagbibigay ng payong hangal.
Paanong masasabi ninyo kay Faraon,
“Ako'y anak ng pantas,
anak ng mga dating hari?”
12 Saan ngayon naroon ang iyong mga pantas?
Sasabihin nga nila sa iyo ngayon at ipaalam nila
kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo laban sa Ehipto.
13 Ang mga pinuno ng Zoan ay naging mga hangal,
ang mga pinuno ng Memfis ay dinaya,
sila na panulok na bato ng kanyang mga lipi
ang nagligaw sa Ehipto.
14 Inihalo ng Panginoon sa kanya
ang espiritu ng pagkalito;
at iniligaw nila sa bawat gawa niya ang Ehipto,
pasuray-suray sa kanyang pagsusuka gaya ng lasing na tao.
15 Hindi na magkakaroon ng anuman para sa Ehipto
na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.
Pagbabalik-loob ng Ehipto at ng Asiria
16 Sa araw na iyon ay magiging parang mga babae ang mga Ehipcio, at manginginig sa takot sa harapan ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo na kanyang itinataas laban sa kanila.
17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Ehipto; kaninuman mabanggit iyon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.
18 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Ehipto na magsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa ng katapatan sa Panginoon ng mga hukbo. Ang isa roo'y tatawaging ‘Lunsod ng Araw.’
19 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Ehipto, at isang haligi sa Panginoon sa hangganan niyon.
20 Iyon ay magiging tanda at saksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Ehipto. Kapag sila'y dumaing sa Panginoon dahil sa mga mang-aapi, magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at kanyang ipagtatanggol at ililigtas sila.
21 At ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa Ehipto, at makikilala ng mga Ehipcio ang Panginoon sa araw na iyon at sila'y magsisisamba na may alay at handog na sinusunog. At sila'y gagawa ng panata sa Panginoon at tutuparin ang mga iyon.
22 At sasaktan ng Panginoon ang Ehipto, sinasaktan at pinagagaling, at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at kanyang papakinggan ang kanilang mga daing at pagagalingin sila.
23 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng lansangan mula sa Ehipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga-Asiria ay magsisipasok sa Ehipto, at ang mga Ehipcio ay sa Asiria, at ang mga Ehipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga-Asiria.
24 Sa araw na iyon ay magiging pangatlo ang Israel sa Ehipto at sa Asiria, isang pagpapala sa gitna ng lupain,
25 na pinagpala ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, “Pagpalain ang bayan kong Ehipto, at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na aking mana.”
17 Kaya't huwag kayong maging mga hangal, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 Huwag kayong magpakalasing sa alak, na ito ay labis na kahalayan, kundi mapuno kayo ng Espiritu.
19 Kayo'y(A) magsalita sa isa't isa sa mga awit at mga himno at mga awiting espirituwal, na sa inyong mga puso ay nag-aawitan at gumagawa ng himig sa Panginoon,
20 laging nagpapasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa Diyos na ating Ama.
Ang Relasyong Mag-asawa
21 Pasakop kayo sa isa't isa dahil sa takot kay Cristo.
22 Mga(B) asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa, gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.
23 Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng asawang babae, gaya ni Cristo na ulo ng iglesya, na siya ang tagapagligtas ng katawan.
24 Subalit kung paanong ang iglesya ay napapasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga(C) asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya;
26 upang kanyang pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita,
27 upang kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis.
28 Gayundin naman, nararapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanya-kanyang sariling asawa gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kanyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili.
29 Sapagkat walang sinumang napoot sa kanyang sariling katawan, kundi inaalagaan at iniingatan ito, gaya naman ni Cristo sa iglesya;
30 sapagkat tayo ay mga bahagi ng kanyang katawan.
31 Dahil(D) dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila, subalit ako ay nagsasalita tungkol kay Cristo at sa iglesya.
33 Gayunman, dapat ibigin ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling asawa gaya ng kanyang sarili, at igalang ng babae ang kanyang asawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001