Old/New Testament
Tatlong Anghel ay dumalaw kay Abraham.
18 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni (A)Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.
2 (B)At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: (C)at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa.
3 At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod.
4 Itulot mong (D)dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy.
5 At magdadala ako ng isang subong tinapay (E)at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: (F)yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi.
6 At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay.
7 At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin.
8 At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain.
Ang pangako sa panganganak ay inulit.
9 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya (G)Narito, nasa tolda.
10 At sinabi niya, (H)Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong (I)panahon ng taong darating; at (J)narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.
11 (K)Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae.
12 (L)At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, (M)Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng (N)panginoon ko?
13 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako?
14 (O)May anomang bagay kayang (P)napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake.
15 Nang magkagayo'y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka't siya'y natakot. Nguni't sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa.
16 At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan.
17 At sinabi ng Panginoon, (Q)Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin;
18 Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, (R)at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa?
19 Sapagka't siya'y aking kinilala, upang (S)siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.
Paggunaw sa Sodoma.
20 At sinabi ng Panginoon, (T)Sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagka't ang kasalanan nila ay napakalubha;
21 (U)Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin; at kung hindi ay aking malalaman.
22 At ang mga lalake ay nagsilayo roon (V)at nagsitungo sa Sodoma (W)datapuwa't si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon.
Ang pamamagitan ni Abraham.
23 At lumapit si Abraham, at nagsabi, (X)Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama?
24 Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon, alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon?
25 Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, (Y)anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid (Z)ang Hukom ng buong lupa?
26 At sinabi ng Panginoon, (AA)Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.
27 At sumagot si Abraham, at nagsabi, (AB)Narito, ngayo'y nangahas akong magsalita sa Panginoon, akong (AC)alabok at abo lamang:
28 Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal: lilipulin mo ba, dahil sa limang kulang, ang buong bayan? At sinabi niya, Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu't lima.
29 At siya'y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu.
30 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon, at ako'y magsasalita: kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu.
31 At kaniyang sinabi, Narito ngayon, ako'y (AD)nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa dalawang pu.
32 At sinabi niya, Oh (AE)huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, (AF)Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu.
33 At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako.
Dinalaw ng Anghel ang Sodoma.
19 At nagsidating ang (AG)dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y (AH)nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa;
2 At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo (AI)na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, (AJ)at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, (AK)Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.
3 At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain.
4 Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;
5 (AL)At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? (AM)ilabas mo sila sa amin (AN)upang kilalanin namin sila.
6 At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya.
7 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan.
8 (AO)Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; (AP)yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.
9 At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y (AQ)naparito upang makipamayan, (AR)at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.
10 Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan.
11 At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, (AS)ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.
Iniligtas si Lot.
12 At sinabi ng mga lalake kay Lot, Mayroon ka pa ritong kamaganakan? Ang iyong mga manugang, at ang iyong mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan: ay (AT)ipagaalis mo sa dakong ito:
13 Sapagka't aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang (AU)sigaw sa harap ng Panginoon; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin.
14 At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, (AV)Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.
15 At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot, na sinasabi, (AW)Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan.
16 Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; (AX)sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan.
17 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang (AY)lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay.
18 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko:
19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay.
20 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako.
21 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay (AZ)pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita.
22 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. (BA)Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar.
Ang mga Ciudad sa kapatagan ay giniba.
23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.
24 (BB)Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;
25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.
26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, (BC)at naging haliging asin.
27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan (BD)sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.
28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang (BE)usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.
29 At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na (BF)naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot.
Ipinanganak si Moab at Ben-ammi.
30 At sumampa si Lot mula sa Zoar (BG)at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae.
31 At sinabi ng panganay sa bunso: Ang ating ama ay matanda, at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin, ayon sa ugali ng sangkalupaan:
32 Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.
33 At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama; at hindi naalaman, ng ama nang siya'y mahiga ni nang siya'y magbangon.
34 At nangyari nang kinabukasan, na sinabi ng panganay sa bunso. Narito, ako'y sumiping kagabi sa aking ama; painumin din natin ng alak sa gabing ito; at pumasok ka, at sumiping ka sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.
35 At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at nagtindig ang bunso, at sumiping sa ama; at hindi naalaman ng ama nang siya'y mahiga, ni nang siya'y magbangon.
36 Sa ganito'y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.
37 At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: (BH)na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito.
38 At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalang Benammi: (BI)na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon, hanggang ngayon.
6 Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.
2 Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
3 Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:
4 Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
5 At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin (A)ka.
7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: (B)sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: (C)sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: (D)Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
10 (E)Dumating nawa ang kaharian mo. (F)Gawin nawa ang iyong kalooban, (G)kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12 At (H)ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13 (I)At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami (J)sa masama. Sapagka't[a] iyo ang (K)kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
14 Sapagka't kung ipatawad ninyo (L)sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
15 Datapuwa't (M)kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.
16 Bukod dito, (N)pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay (O)langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;
18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978