Add parallel Print Page Options

Magingat ka lamang sa iyong sarili, at (A)ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi (B)iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;

10 Yaong (C)araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.

Read full chapter

At (A)iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

Read full chapter

15 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay (A)piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang (B)dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: (C)nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.

Read full chapter

At, (A)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (B)inyong turuan sila ayon sa saway at (C)aral ng Panginoon.

Read full chapter