Old/New Testament
Hinabol sila ni Faraon.
14 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, (A)na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng (B)Pi-hahiroth, sa pagitan ng (C)Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.
3 At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.
4 (D)At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila (E)at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at (F)malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.
5 At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?
6 At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:
7 At siya'y nagdala ng (G)anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.
8 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, (H)sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.
9 (I)At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.
10 At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay (J)humibik sa Panginoon.
11 (K)At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?
12 (L)Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.
13 At sinabi ni Moises sa bayan, (M)Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.
14 (N)Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.
15 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.
16 At (O)itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo.
17 At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y (P)magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
18 At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
19 At ang anghel ng Dios (Q)na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
20 At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.
21 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, (R)at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa (S)at ang tubig ay nahawi.
22 At ang mga anak ni Israel ay (T)pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
Ang hukbo ng Egipcio ay nalunod.
23 At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.
24 At nangyari, sa (U)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
25 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: (V)sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.
26 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.
27 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, (W)at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.
28 At (X)ang tubig ay nagsauli, (Y)at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
29 Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
30 (Z)Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.
31 At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na (AA)ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.
Ang awit ni Moises at ni Miriam.
15 Nang magkagayo'y inawit ni (AB)Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,
Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
2 Ang Panginoon ay aking lakas at (AC)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (AD)tatanghalin.
3 Ang Panginoo'y isang (AE)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
4 Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
5 Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na (AF)parang isang bato.
6 (AG)Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
7 At sa kalakhan ng iyong (AH)karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang (AI)dayami.
8 (AJ)At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang (AK)tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
9 Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 (AL)Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay,
Nilamon sila ng lupa.
13 (AM)Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong (AN)tinubos:
Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila (AO)sa banal mong tahanan.
14 (AP)Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig:
Mga sakit ang (AQ)kumapit sa mga taga Filistia.
15 (AR)Nang magkagayo'y natulig (AS)ang mga pangulo sa Edom;
(AT)Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila:
Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16 Sindak at gulat ang (AU)sumasakanila;
Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na (AV)parang bato;
Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon,
Hanggang sa makaraan ang bayang ito (AW)na iyong kinamtan.
17 Sila'y iyong papapasukin, at (AX)sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana,
Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan,
(AY)Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 (AZ)Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
19 Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.
20 At si Miriam na (BA)propetisa na (BB)kapatid ni Aaron, ay (BC)tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at (BD)sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.
21 At (BE)sila'y sinagot ni Miriam,
(BF)Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati;
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.
22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng (BG)Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.
Ang Israel sa Mara.
23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.[a]
24 At (BH)inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
25 At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at (BI)inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin (BJ)at doon sila sinubok niya;
26 At sinabi, (BK)Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay (BL)wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na (BM)nagpapagaling sa iyo.
27 At sila'y dumating sa (BN)Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig.
17 At (A)pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si (B)Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:
2 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.
3 At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.
4 At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
5 Samantalang nagsasalita pa siya, (C)narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, (D)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
6 At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.
7 At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at (E)huwag kayong mangatakot.
8 At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang.
9 (F)At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos (G)sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.
10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, (H)Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at (I)isasauli ang lahat ng mga bagay:
12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, (J)kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.
13 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.
14 At (K)pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,
15 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y (L)himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.
16 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.
17 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at (M)taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
18 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.
19 Nang magkagayo'y nagsilapit na (N)bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?
20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (O)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (P)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (Q)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (R)(S)
22 At (T)samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, (U)Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao;
23 At siya'y papatayin nila, at (V)sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw,
24 At (W)pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga (X)pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo?
25 Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng (Y)kabayaran ng (Z)buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba?
26 At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak.
27 Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978