Old/New Testament
Si Cain at si Abel.
4 At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon.
2 At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa.
3 At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga (A)bunga ng lupa sa Panginoon.
4 At nagdala rin naman si Abel ng mga (B)panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. (C)At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:
5 Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha.
6 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Bakit ka naginit? at bakit namanglaw ang iyong mukha?
7 Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at (D)sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasá, at ikaw ang papanginoonin niya.
Pagpatay kay Abel.
8 At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, (E)at siya'y kaniyang pinatay.
9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, (F)Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?
10 At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay (G)dumadaing sa akin mula sa lupa.
11 At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid;
12 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.
13 At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.
14 (H)Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, (I)at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampas-lupa; at mangyayari, na (J)sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.
15 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dahil dito'y sinomang pumatay kay Cain ay (K)makapitong gagantihan. At nilagyan ng Panginoon ng isang (L)tanda si Cain, baka siya'y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya.
16 At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden.
17 At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak, Enoc.
18 At naging anak ni Enoc si Irad; at naging anak ni Irad si Mehujael; at naging anak ni Mehujael si Metusael; at naging anak ni Metusael si Lamec.
19 At si Lamec ay nagasawa ng dalawa; ang pangalan ng isa'y Ada, at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla.
20 At naging anak ni Ada si Jabal: na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop.
21 At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal: na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta.
22 At tungkol kay Zilla, ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal: at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama.
23 At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa:
Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig:
Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay:
Sapagka't pumatay ako ng isang tao, dahil sa ako'y sinugatan,
At ng isang binata, dahil sa ako'y hinampas.
24 Kung (M)makapitong gagantihan si Cain, tunay na si Lamec ay makapitong pung pito.
Panganganak kay Set.
25 At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, (N)at tinawag ang kaniyang pangalan na Set;[a] sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain.
26 At (O)nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos. (P)Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon.
5 Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, (Q)sa wangis ng Dios siya nilalang;
2 (R)Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.
3 At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na (S)Set:
4 At ang mga (T)naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
5 At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at (U)siya'y namatay.
Mga inanak ni Set.
6 At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon (V)at naging anak niya si Enos.
7 At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
8 At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.
9 At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan:
10 At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
11 At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay.
12 At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel:
13 At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
14 At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.
15 At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared:
16 At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
17 At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.
18 At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si (W)Enoc:
19 At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
20 At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay.
21 At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:
22 (X)At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
23 At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:
24 At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya (Y)nasumpungan, sapagkat kinuha ng Dios.
25 At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:
26 At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae;
27 At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.
28 At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake:
29 At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe, na sinabi, Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang (Z)sinumpa ng Panginoon.
30 At nabuhay si Lamec, pagkatapos na maipanganak si Noe, ng limang daan at siyam na pu't limang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
31 At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon: at namatay.
32 At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.
6 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae,
2 Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y (AA)nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.
3 At sinabi ng Panginoon, (AB)Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, (AC)sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
4 Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.
5 At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, (AD)at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
6 (AE)At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, (AF)at nalumbay sa kaniyang puso.
7 At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.
8 Datapuwa't si Noe ay (AG)nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.
Si Noe at ang kaniyang mga anak.
9 Ito ang mga lahi ni (AH)Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na (AI)kasama ng Dios.
10 At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.
11 At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.
12 (AJ)At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka't pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.
Si Noe ay pinagawa ng Daong.
13 At sinabi ng Dios kay Noe, (AK)Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa.
14 Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
15 At ganitong paraan gagawin mo: tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, at tatlong pung siko ang taas.
16 Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan; at wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas; at ang pintuan ng sasakyan ay ilalagay mo sa tagiliran; gagawin mong may lapag na lalong mababa, pangalawa at pangatlo.
17 (AL)At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.
18 Datapuwa't pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; (AM)at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.
19 At sa bawa't nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng (AN)dalawa sa bawa't uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan.
20 Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa't nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa't uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay.
21 At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila.
22 (AO)Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
2 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea (A)sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem (B)mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,
2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't (C)aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.
3 Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem.
4 At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga (D)eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo.
5 At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat (E)ng propeta,
6 At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda,
Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda:
Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador,
Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel.
7 Nang magkagayo'y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin.
8 At pinayaon niya sila sa Bet-lehem, at sinabi, Kayo'y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol; at pagkasumpong ninyo sa kaniya, ay ipagbigay-alam ninyo sa akin, upang ako nama'y makaparoon at siya'y aking sambahin.
9 At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol.
10 At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak.
11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na (F)ginto at kamangyan at (G)mira.
12 At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios (H)sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan.
13 Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.
14 At siya'y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan, at napasa Egipto;
15 At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes: upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, (I)Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak.
16 Nang magkagayon, nang mapansin ni Herodes na siya'y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake, ay nagalit na mainam, at nagutos, at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem, at sa buong palibotlibot noon, mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa, alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake.
17 Nang magkagayo'y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, (J)na nagsasabi,
18 Isang tinig ay narinig (K)sa Rama,
Pananangis at kalagimlagim na iyak,
Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak;
At ayaw na siyang maaliw, sapagka't sila'y wala na.
19 Nguni't pagkamatay ni Herodes, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita (L)sa panaginip kay Jose sa Egipto, na nagsasabi,
20 Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel: sapagkat nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol.
21 At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo sa lupa ng Israel.
22 Datapuwa't nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes, ay natakot siyang pumatungo roon; at palibhasa'y pinagsabihan ng Dios sa panaginip, ay napatungo siya sa mga sakop ng (M)Galilea,
23 At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na (N)Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta, na siya'y tatawaging Nazareno.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978