Old/New Testament
Si Abraham at si Cetura.
25 At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura.
2 At (A)naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua.
3 At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim.
4 At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura.
5 (B)At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac.
6 Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay (C)mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan (D)sa lupaing silanganan.
7 At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.
Ang kamatayan ni Abraham.
8 At (E)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (F)nalakip sa kaniyang bayan.
9 (G)At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;
10 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: (H)doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.
11 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng (I)Beer-lahai-roi.
12 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, (J)na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:
13 (K)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,
14 At si Misma, at si Duma, at si Maasa,
15 At si Hadad, at si (L)Tema, si (M)Jetur, si Naphis, at si Cedema:
16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: (N)labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.
17 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; (O)at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.
18 (P)At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa (Q)Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (R)Abraham si Isaac,
20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (S)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (T)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.
21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (U)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.
22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (V)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.
23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,
Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (W)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (X)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(Y)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.
Panganganak kay Esau at kay Jacob.
24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.
25 At ang unang lumabas ay mapula na (Z)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.
26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (AA)nakakapit sa sakong ni Esau; (AB)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.
Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
27 At nagsilaki ang mga bata; (AC)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.
28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (AD)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (AE)at minamahal ni Rebeca si Jacob.
29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:
30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.
31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.
32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?
33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (AF)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.
34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
Si Isaac sa Gerar.
26 At nagkagutom sa lupain, bukod sa (AG)unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay (AH)Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.
2 At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; (AI)matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:
3 (AJ)Matira ka sa lupaing ito, (AK)at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay (AL)ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, (AM)at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;
4 At aking (AN)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (AO)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;
5 (AP)Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.
Nilinlang ni Isaac si Abimelech.
6 At tumahan si Isaac sa Gerar.
7 At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; (AQ)at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; (AR)sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; (AS)dahil sa siya'y may magandang anyo.
8 At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.
9 At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.
10 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay (AT)pinapagkasala mo kami.
11 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, (AU)Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.
12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang (AV)daan (AW)at pinagpala siya ng Panginoon.
13 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.
14 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.
15 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga (AX)bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa.
16 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, (AY)sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.
17 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon.
18 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga (AZ)pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.
19 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal.
20 At (BA)nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya.
21 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah.
22 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain.
23 At mula roon ay umahon siya sa Beer-seba.
24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, (BB)Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: (BC)huwag kang matakot, sapagka't (BD)ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.
25 At si Isaac ay (BE)nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.
Ang tipan ni Isaac kay Abimelech.
26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si (BF)Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.
27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin (BG)at pinalayas ninyo ako sa inyo?
28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, (BH)na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:
29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang (BI)pinagpala ng Panginoon.
30 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.
31 At sila'y gumising ng madaling araw, (BJ)at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.
32 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.
33 At tinawag niyang Seba:[a] (BK)kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beer-seba[b] hanggang ngayon.
Mga asawa ni Esau.
34 At nang si Esau ay may apat na pung taon ay (BL)nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo:
35 (BM)At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca.
8 At nang siya'y bumaba mula sa bundok, ay sinundan siya ng lubhang maraming tao.
2 At (A)narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y (B)sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.
3 At iniunat niya ang kaniyang kamay, at (C)siya'y hinipo, na nagsasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nalinis ang kaniyang ketong.
4 At sinabi sa kaniya ni Jesus, (D)Ingatan mong huwag sabihin kanino man; kundi humayo ka, pakita ka sa saserdote, at ihandog mo ang alay (E)na ipinagutos ni Moises, na bilang patotoo sa kanila.
5 At (F)pagpasok niya sa Capernaum, ay lumapit sa kaniya ang isang senturion, na sa kaniya'y namanhik,
6 At nagsasabi, Panginoon, ang aking alila ay nararatay sa bahay, lumpo, at lubhang nahihirapan.
7 At sinabi niya sa kaniya, Paroroon ako, at siya'y aking pagagalingin.
8 At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa't sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.
9 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.
10 At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, (G)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya.
11 At sinabi ko sa inyo, na marami ang (H)magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at (I)magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit:
12 Datapuwa't (J)ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa (K)kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
13 At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.
14 At nang (L)pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat.
15 At hinipo ang kaniyang kamay, at inibsan siya ng lagnat; at siya'y nagbangon, at naglingkod sa kaniya.
16 At nang kinahapunan, ay dinala nila sa kaniya ang maraming (M)inaalihan ng demonio: at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit:
17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, (N)Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978