Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 13-15

Pagbalik sa Canaan.

13 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.

At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.

At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;

(A)Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.

At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.

At sila'y hindi makayanan (B)ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pagaari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.

Paghiwalay kay Lot.

(C)At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; (D)at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.

At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong (E)huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.

(F)Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.

10 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong (G)kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa (H)Zoar, bago (I)giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng (J)halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.

11 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.

12 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.

13 (K)Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.

14 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:

15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw (L)ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.

16 (M)At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.

17 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.

18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon (N)at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na (O)nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.

Si Lot ay dinalang bihag.

14 At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa (P)Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer (Q)hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,

Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa (R)Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).

Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim ((S)na siyang Dagat na Alat).

Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.

At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang (T)mga Refaim sa (U)Ashteroth-Carnaim, at ang mga (V)Zuzita sa Ham, at ang (W)mga Emita sa Shave-ciriataim.

At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang (X)Elparan na nasa tabi ng ilang.

At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa (Y)Hazezon-tamar.

At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;

Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.

10 At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng (Z)betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa (AA)kabundukan.

11 At kanilang sinamsam ang lahat ng (AB)pagaari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.

12 At dinala nila si Lot, na (AC)anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pagaari at (AD)sila'y nagsiyaon.

Si Lot ay iniligtas ni Abram.

13 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; (AE)na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga (AF)ito ay kakampi ni Abram.

14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang (AG)kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa (AH)Dan.

15 At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.

16 At iniuwi niya ang lahat ng pagaari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pagaari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.

17 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave ((AI)na siyang libis ng hari).

Pinagpala ni Melquisedec si Abram.

18 At si (AJ)Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y (AK)saserdote ng Kataastaasang (AL)Dios.

19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na (AM)may-ari ng langit at ng lupa:

20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. (AN)At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pagaari.

22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, (AO)Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.

23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:

24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si (AP)Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.

Ang pangako ng Dios kay Abram.

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (AQ)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (AR)kalasag, at ang iyong (AS)ganting pala na lubhang dakila.

At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?

At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (AT)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.

At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (AU)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.

At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (AV)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (AW)ganiyan ang iyong binhi.

(AX)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.

At sinabi sa kaniya, (AY)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.

At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, (AZ)paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?

At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.

10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at (BA)pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; (BB)datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.

11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.

12 At nang lulubog na ang araw, ay (BC)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.

13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (BD)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (BE)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.

14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (BF)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.

15 (BG)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (BH)iyong mga magulang; (BI)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (BJ)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (BK)Amorrheo.

17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (BL)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (BM)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,

20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,

21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.

Mateo 5:1-26

At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa (A)bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:

At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,

(B)Mapapalad ang mga (C)mapagpakumbabang-loob: (D)sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Mapapalad ang (E)nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Mapapalad ang maaamo: sapagka't (F)mamanahin nila ang lupa.

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Mapapalad ang mga may (G)malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

10 Mapapalad (H)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (I)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

13 Kayo ang asin ng lupa: (J)nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

14 Kayo ang ilaw (K)ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.

15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, (L)at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.

16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (M)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (N)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

17 Huwag ninyong isiping (O)ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (P)Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

19 Kaya't ang (Q)sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.

20 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, (R)Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:

22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang (S)bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa (T)Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

23 Kaya't (U)kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,

24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.

25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.

26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978