Book of Common Prayer
Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.
106 (A)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(B)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (C)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
4 (D)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
5 Upang makita ko ang kaginhawahan ng (E)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
6 (F)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
7 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(G)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
8 Gayon ma'y iniligtas niya sila (H)dahil sa (I)kaniyang pangalan,
(J)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
9 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (K)natuyo:
Sa gayo'y (L)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (M)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (N)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (O)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (P)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (Q)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (R)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (S)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (T)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (U)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (V)Sila'y nagsigawa ng guya (W)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (X)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (Y)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (Z)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(AA)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (AB)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (AC)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (AD)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(AE)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (AF)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (AG)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(AH)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (AI)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (AJ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (AK)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (AL)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (AM)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (AN)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (AO)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (AP)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (AQ)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (AR)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (AS)Ginawa naman niyang sila'y (AT)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (AU)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (AV)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (AW)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.
17 At tinipon ni Samuel ang (A)bayan sa Panginoon (B)sa Mizpa;
18 At sinabi niya sa mga anak ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto, at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo:
19 (C)Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y (D)humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyo-inyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.
20 Sa gayo'y (E)pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili.
21 At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan.
22 (F)Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan.
23 At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan, ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, (G)mula sa kaniyang mga balikat at paitaas.
24 At sinabi ni Samuel sa buong bayan, (H)Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, (I)Mabuhay ang hari.
25 Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang (J)paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.
26 At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa (K)Gabaa; at yumaong kasama niya ang hukbo, na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios.
27 (L)Nguni't sinabi ng (M)ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan (N)at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik.
44 Sumaating mga magulang sa ilang (A)ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay (B)Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.
45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni (C)Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;
46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at (D)huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.
47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.
48 (E)Bagama't ang Kataastaasa'y (F)hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
49 Ang langit ay ang aking luklukan,
(G)At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa:
Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon:
O anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
51 (H)Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
52 Alin sa mga propeta ang (I)hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating (J)ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon (K)sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
55 Datapuwa't siya, (L)palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig (M)sa kanan ng Dios,
56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
58 At siya'y kanilang itinapon (N)sa labas ng bayan, (O)at binato: at inilagay (P)ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, (Q)tanggapin mo ang aking espiritu.
60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, (R)Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
8 At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay.
At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at (S)silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at (T)Samaria, maliban na sa mga apostol.
52 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga (A)punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?
53 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang (B)inyong oras, at (C)ang kapangyarihan ng kadiliman.
54 At kanilang dinakip siya, at (D)dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. (E)Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro.
55 (F)At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng (G)looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila.
56 At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya.
57 Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala.
58 At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.
59 At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo.
60 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok.
61 At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, (H)Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.
62 At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978