Book of Common Prayer
Awit ng pagtutol at pagpapasalamat. Sa Pangulong manunugtog.
31 Sa (A)iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako;
Huwag akong mapahiya kailan man;
Palayain mo ako sa iyong katuwiran.
2 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali:
Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin,
Bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
3 (B)Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta;
(C)Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
4 (D)Hugutin mo ako sa (E)silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
5 (F)Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa;
Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
6 Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan:
(G)Nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
7 Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob:
Sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian:
Iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
8 At hindi mo (H)kinulong sa kamay ng kaaway;
(I)Iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (J)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (K)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (L)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (M)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (N)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (O)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (P)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (Q)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
17 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo:
Mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi;
Na nangagsasalita laban sa matuwid (R)ng kalasuwaan,
Ng kapalaluan at paghamak.
19 (S)Oh pagkadakila ng iyong kabutihan,
Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo,
Na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo,
Sa harap ng mga anak ng mga tao!
20 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao:
(T)Iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
21 Purihin ang Panginoon:
Sapagka't (U)ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob (V)sa isang matibay na bayan.
22 (W)Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali,
(X)Nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata:
Gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik,
Nang ako'y dumaing sa iyo.
23 (Y)Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya:
Pinalalagi ng Panginoon ang tapat,
At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
24 (Z)Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso,
(AA)Kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
Panalangin sa pagliligtas sa kaaway. Awit ni David.
35 (A)Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin:
Lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
2 (B)Humawak ka ng kalasag at ng longki,
At tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
3 Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin:
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
Ako'y iyong kaligtasan.
4 (C)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
5 (D)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
6 Maging madilim nawa, at (E)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
7 Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (F)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
8 (G)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (H)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
9 At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon:
(I)Magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, (J)sino ang gaya mo,
Na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya,
Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo;
Sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 (K)Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
Sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
(L)Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay (M)nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid:
Ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipipisan:
Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan,
(N)Kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
17 Panginoon, hanggang (O)kailan titingin ka?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira,
(P)Ang aking sinta mula sa mga leon.
18 (Q)Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni (R)magkindat man ng mata (S)ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21 Oo, (T)Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: (U)Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 Iyong (V)nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, (W)huwag kang lumayo sa akin.
23 (X)Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 (Y)Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran;
At huwag mo silang pagalakin sa akin.
25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin:
Huwag silang magsabi: (Z)Aming sinakmal siya.
26 (AA)Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak:
Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran:
Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon,
(AB)Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 (AC)At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran,
At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.
Naparoon si David sa Nob at tinulungan ni Ahimelech.
21 Nang magkagayo'y naparoon si David sa (A)Nob kay (B)Ahimelech na saserdote: at sinalubong si David ni Ahimelech (C)na nanginginig, at sinabi sa kaniya, Bakit ka nagiisa, at walang taong kasama ka?
2 At si David ay nagsabi kay Ahimelech na saserdote, Inutusan ako ng hari ng isang bagay, at sinabi sa akin, Huwag maalaman ng sinoman ang bagay na aking isinusugo sa iyo, at ang aking iniutos sa iyo: at aking inilagay ang mga bataan sa gayo't gayong dako.
3 Ngayon nga anong mayroon ka sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang tinapay sa aking kamay, o anomang mayroon ka.
4 At sumagot ang saserdote kay David, at nagsabi, Walang karaniwang tinapay sa aking kamay, nguni't (D)mayroong banal na tinapay; kung disin ang mga bataan ay magpakalayo (E)lamang sa mga babae.
5 At sumagot si David sa saserdote, at nagsabi sa kaniya, Sa katotohanan ang mga babae ay nalayo sa amin humigit kumulang sa tatlong araw na ito; nang ako'y lumabas ang mga daladalahan ng mga bataan ay banal, bagaman isang karaniwang paglalakad; gaano pa kaya kabanal ngayon ang kanilang mga (F)daladalahan?
6 Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay: sapagka't walang tinapay roon, kundi tinapay na handog, na kinuha sa harap ng Panginoon, upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha.
7 Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon, na pinigil sa harap ng Panginoon: at ang kaniyang pangalan ay (G)Doeg na Idumeo, na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul.
8 At sinabi ni David kay Ahimelech, At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak? sapagka't hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man, dahil sa ang bagay ng hari ay madalian.
9 At sinabi ng saserdote, (H)Ang tabak ni Goliath na Filisteo, na iyong pinatay sa (I)libis ng Ela, narito, nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod: kung iyong kukunin yaon, kunin mo: sapagka't walang iba rito liban yaon. At sinabi ni David, Walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin.
Si David ay tumago sa Gath na nagkunwaring ulol.
10 At tumindig si David, at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul, at naparoon kay Achis na hari sa (J)Gath.
11 At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain? Hindi ba (K)pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi,
(L)Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksalaksa?
12 At (M)iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso, at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath.
13 At kaniyang (N)binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay, at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan, at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas.
14 Nang magkagayo'y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod, Narito, tingnan ninyo ang lalake ay ulol: bakit nga ninyo dinala siya sa akin?
15 Kulang ba ako ng mga ulol, na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan? papasok ba ang taong ito sa aking bahay?
13 Nagsitulak nga sa (A)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (B)sa Jerusalem.
14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (C)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.
15 At pagkatapos ng pagbasa ng (D)kautusan at ng (E)mga propeta, (F)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (G)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.
16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (H)ikinikiya na nagsabi,
Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.
17 (I)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (J)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (K)sila roon.
18 At nang panahong halos (L)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.
19 At (M)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (N)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:
20 At (O)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
21 At pagkatapos ay (P)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (Q)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (R)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.
22 At nang siya'y alisin niya, ay (S)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (T)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (U)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.
23 (V)Sa binhi ng taong ito, (W)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (X)Tagapagligtas, na si Jesus;
24 Noong unang ipangaral ni (Y)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.
25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (Z)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.
7 (A)At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat: at nagsisunod sa kaniya ang (B)lubhang karamihang taong mula sa Galilea; at mula sa Judea,
8 At mula sa Jerusalem, at mula sa (C)Idumea, at mula sa dakong ibayo ng Jordan, at sa palibotlibot ng (D)Tiro, at Sidon, na lubhang maraming tao, nang mabalitaan ang lubhang mga dakilang bagay na kaniyang ginagawa, ay nagsiparoon sa kaniya.
9 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na ihanda sa kaniya ang isang maliit na daong dahil sa karamihan, baka siya'y kanilang siksikin:
10 Sapagka't siya'y nakapagpagaling sa marami; ano pa't sinisiksik siya ng lahat ng mga nasasalot upang siya'y mahipo nila.
11 At ang mga karumaldumal na espiritu, pagkakita sa kaniya, ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan, at nangagsisisigaw, na nangagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios.
12 At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit (E)na siya'y huwag nilang ihayag.
13 At siya'y umahon sa bundok, (F)at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya.
14 At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral,
15 At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio:
16 At (G)si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro;
17 At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang (H)Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog:
18 At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo,
19 At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978