Book of Common Prayer
COPH.
145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (A)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (B)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (D)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (E)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (F)pinamalagi magpakailan man.
RESH.
153 (G)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (H)ang iyong kautusan.
154 (I)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (J)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(K)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (L)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
SIN.
161 Inusig ako (M)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(N)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (O)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (P)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(Q)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
TAU.
169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (R)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (S)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (T)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (U)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
128 Mapalad ang (A)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 (B)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3 Ang asawa mo'y magiging (C)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (D)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
5 (E)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6 Oo, iyong (F)makikita ang mga (G)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.
129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (H)aking kabataan,
(I)Sabihin ngayon ng Israel,
2 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(J)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo (K)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4 Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (L)panali ng masama.
5 Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Sila'y maging (M)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(N)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (O)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (P)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (Q)tatayo?
4 Nguni't may (R)kapatawarang taglay ka,
(S)Upang ikaw ay katakutan.
5 (T)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (U)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (V)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (W)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (X)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Ang nagdaramdam na talumpati ni Samuel.
12 At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, (A)aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, (B)at naghalal ako ng isang hari sa inyo.
2 At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at (C)ako'y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito.
3 Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin (D)sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: (E)kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang (F)aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.
4 At kanilang sinabi, Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman.
5 At sinabi niya sa kanila, Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay. At kanilang sinabi, Siya'y saksi.
6 At sinabi ni Samuel sa bayan, Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron, at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto.
16 Ngayon nga'y tumahimik kayo (A)at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata.
17 Hindi ba (B)pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na (C)ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.
18 Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang (D)buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.
19 At sinabi ng buong bayan kay Samuel, (E)Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.
20 At sinabi ni Samuel sa bayan, Huwag kayong matakot: tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon.
21 At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y (F)susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.
22 (G)Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan (H)dahil sa kaniyang dakilang pangalan, (I)sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya.
23 Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng (J)pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na (K)daan.
24 Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; (L)dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo.
25 Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari.
14 Nang mabalitaan nga (A)ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila (B)si Pedro at si Juan:
15 Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, (C)upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.
16 Sapagka't ito'y hindi (D)pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan (E)lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
17 Nang magkagayo'y ipinatong (F)sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.
18 Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi,
19 Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo.
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't (G)inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.
21 Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios.
22 Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso.
23 Sapagka't nakikita kong ikaw ay (H)nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.
24 At sumagot si Simon at sinabi, (I)Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo.
25 Sila nga, nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Jerusalem, at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano.
23 At nagsitindig ang buong kapulungan (A)nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.
2 At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at (B)ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi (C)na siya rin nga ang Cristo, ang hari.
3 At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.
4 At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, (D)Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.
5 Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.
6 Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.
7 At nang maunawa na siya'y (E)nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.
8 Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.
9 At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.
10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.
11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, (F)at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.
12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978