Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.
55 (A)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(B)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
3 Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(C)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
4 (D)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5 (E)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (F)kakilabutan.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
8 Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (G)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(H)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(I)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (J)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(K)Mababa nawa silang buháy sa (L)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (M)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(N)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (O)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(P)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (Q)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (R)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.
Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.
138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(A)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (B)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4 Lahat ng mga hari sa lupa (C)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6 (D)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (E)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7 (F)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
8 (G)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(H)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
139 Oh Panginoon, (I)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
2 (J)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(K)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (L)natatalastas mo nang buo.
5 (M)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
6 Ang ganyang kaalaman (N)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
7 (O)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
8 (P)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(Q)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
9 Kung aking kunin ang mga (R)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (S)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (T)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (U)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(V)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (W)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (X)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (Y)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (Z)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (AA)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (AB)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
Nabalitaan ni David ang pagbabaka sa Gilboa.
1 At nangyari, pagkamatay ni Saul, nang magbalik si David na mula sa (A)pagpatay sa mga Amalecita, at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag;
2 Ay nangyari, sa ikatlong araw, na narito, ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na (B)hapak ang kaniyang suot, at (C)may lupa ang kaniyang ulo: at nagkagayon, na nang dumating siya kay David, ay nagpatirapa at nagbigay galang.
3 At sinabi ni David sa kaniya, Saan ka nanggaling? At kaniyang sinabi sa kaniya, Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako.
4 At sinabi ni David sa kaniya, Ano ang nangyari? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin. At siya'y sumagot: Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka, at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin.
5 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya: Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay?
6 At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay, Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa, narito, si (D)Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat; at, narito, hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo.
7 At nang siya'y lumingon, kaniyang nakita ako, at tinawag niya ako, at ako'y sumagot: Narito ako.
8 At sinabi niya sa akin, Sino ka? At ako'y sumagot sa kaniya, Ako'y isang Amalecita.
9 At kaniyang sinabi uli sa akin, Tumayo ka sa siping ko, isinasamo ko sa iyo, at patayin mo ako, dahil sa dinatnan ako ng panglulumo; sapagka't ang aking buhay ay lubos ko pang taglay.
10 Sa gayo'y tumayo ako sa siping niya, at aking pinatay siya, sapagka't talastas ko na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal: at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo, at ang pulsera na nasa kaniyang kamay, at aking dinala rito sa aking panginoon.
11 Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya:
12 At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.
13 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya, Taga saan ka? At siya'y sumagot: Ako'y anak ng isang taga ibang lupa, na Amalecita.
14 At sinabi ni David sa kaniya, Bakit hindi ka (E)natakot na (F)iunat mo ang iyong kamay na patayin ang (G)pinahiran ng langis ng Panginoon?
15 At tinawag ni David ang isa sa mga bataan, at sinabi, Lumapit ka, at daluhungin mo siya. At kaniyang sinaktan siya, na anopa't namatay.
16 At sinabi ni David sa kaniya, (H)Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo; sapagka't ang (I)iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng (A)matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si (B)Silas na mga nangungulo sa (C)mga kapatid:
23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia (D)at Siria at Cilicia, ay bumabati:
24 Sapagka't aming nabalitaan na ang (E)ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita, na isininsay ang inyong mga kaluluwa; na sa kanila'y hindi kami nangagutos ng anoman;
25 Ay minagaling namin, nang mapagkaisahan na, na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo,
26 Na mga lalaking (F)nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
27 Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig.
28 Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29 Na kayo'y magsiilag sa mga (G)bagay na inihain sa mga diosdiosan, at (H)sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
30 Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa (I)Antioquia; at nang matipon na nila ang karamihan, ay kanilang ibinigay ang sulat.
31 At nang ito'y kanilang mabasa na, ay nangagalak dahil sa pagkaaliw.
32 Si Judas at si Silas, palibhasa'y mga (J)propeta rin naman, ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita, at (K)sila'y pinapagtibay.
33 At nang sila'y makapaggugol na ng ilang panahon doon, ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila.[a](L)
35 Datapuwa't nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia, na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon, na kasama naman ng ibang marami.
6 At umalis siya doon; (A)at napasa kaniyang sariling lupain; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
2 At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya'y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay?
3 Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.
4 At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay.
5 At (B)hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila.
6 At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid.
7 At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, (C)at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu;
8 At ipinagbilin niya sa kanila (D)na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot;
9 Datapuwa't gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika.
10 At sinabi niya sa kanila, Saan man kayo magsipasok sa isang bahay, mangatira kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis doon.
11 At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin, at hindi kayo pakinggan, pagalis ninyo doo'y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila.
12 At sila'y nangagsialis, at (E)nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao.
13 At nangagpalabas ng maraming demonio, (F)at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit, at pinagaling sila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978