Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (A)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
4 (B)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(C)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:
Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
7 Sapagka't (D)dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;
Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
8 (E)Ako'y naging iba sa aking mga kapatid,
At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
9 (F)Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;
(G)At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,
Yao'y pagkaduwahagi sa akin.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;
At ako ang awit ng mga lango.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, (H)sa isang kalugodlugod na panahon:
Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
14 (I)Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:
Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
15 Huwag akong tangayin ng baha,
Ni lamunin man ako ng kalaliman:
At huwag takpan ng (J)hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:
(K)Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;
Sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:
Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
19 Talastas mo ang (L)aking kadustaan, at ang aking (M)kahihiyan, at ang aking kasiraang puri:
Ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at (N)ako'y lipos ng kabigatan ng loob:
At ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala;
At mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait;
(O)At sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
22 (P)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
23 (Q)Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita;
At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
24 (R)Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,
At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
25 (S)Magiba ang tahanan nila;
Walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (T)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (U)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 (V)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(W)At huwag masulat na kasama ng matuwid.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw:
Sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (X)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(Y)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
34 (Z)Purihin siya ng langit at lupa,
Ng mga dagat, (AA)at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
35 (AB)Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda;
At sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;
At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
IKATLONG AKLAT
Ang katapusan ng matuwid at masama ay pinagparis. Awit ni Asaph.
73 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel.
Sa mga malilinis sa puso.
2 Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay:
Ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.
3 (A)Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog,
Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
4 Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan:
Kundi ang kanilang kalakasan ay (B)matatag.
5 Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao;
Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
6 Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg:
Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan:
Sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
8 Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati:
(C)Sila'y nangagsasalitang may kataasan.
9 Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit,
At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10 Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan:
At tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11 At kanilang sinasabi, (D)Paanong nalalaman ng Dios?
At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12 Narito, ang mga ito ang masama;
(E)At palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13 (F)Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso,
(G)At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14 Sapagka't buong araw ay nasalot ako,
At naparusahan tuwing umaga.
15 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito;
Narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito,
Ay napakahirap sa ganang akin;
17 Hanggang (H)sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios,
At aking nagunita (I)ang kanilang huling wakas,
18 Tunay na iyong inilagay (J)sila sa mga madulas na dako:
Iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali!
Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20 (K)Ang panaginip sa pagkagising:
Sa gayon, Oh Panginoon, (L)pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw,
At sa aking kalooban ay nasaktan ako:
22 (M)Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos;
Ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.
23 Gayon ma'y laging sumasaiyo ako:
Iyong inalalayan ang aking kanan.
24 (N)Iyong papatnubayan ako ng iyong payo,
At (O)pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 (P)Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw?
At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
26 (Q)Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay:
Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at (R)bahagi ko magpakailan man.
27 Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol:
Iyong ibinuwal silang lahat, (S)na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
28 Nguni't mabuti sa akin (T)na lumapit sa Dios;
Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios,
(U)Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
Ang katapusan ni Joacim.
13 (A)Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan; na (B)pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa (C)na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran;
14 Na nagsasabi, Ako'y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid, at nabubuksan ng mga dungawan; at nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula.
15 Ikaw baga'y maghahari, sapagka't ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? (D)hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan? nang magkagayo'y ikinabuti niya.
16 Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo'y ikinabuti nga. (E)Hindi baga ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon.
17 Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin.
18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (F)Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, (G)Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, (H)Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian!
19 Siya'y malilibing ng libing asno, na (I)hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem.
20 Ikaw ay sumampa sa Libano, at humiyaw; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay humiyaw mula (J)sa Abarim; sapagka't lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol.
21 Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kaginhawahan; nguni't iyong sinabi, Hindi ko didinggin. Ito ang naging iyong paraan mula sa iyong kabataan, na hindi mo dininig ang aking tinig.
22 Lahat (K)mong pastor ay pakakanin ng hangin, at ang mga mangingibig sa iyo ay mapapapasok sa pagkabihag; kung magkagayon ikaw ay mapapahiya at malilito dahil sa lahat mong kasamaan.
23 Oh nananahan sa Libano, na ginagawa mo ang iyong pugad sa mga cedro, kahabaghabag ka nga pagka ang mga pagdaramdam ay dumating sa iyo, ang hirap na gaya ng sa babae sa pagdaramdam!
12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman:
13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay (A)pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.
14 Sapagka't ang lahat (B)ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.
15 Sapagka't (C)hindi ninyo muling tinanggap (D)ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang (E)espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, (F)Abba, Ama.
16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; (G)mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; (H)kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.
18 Sapagka't napatutunayan ko na (I)ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.
19 Sapagka't (J)ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios.
20 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng (K)kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi (L)dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa
21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (M)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.
22 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.
23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong (N)mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y (O)tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay (P)ng pagkukupkop, na dili iba't, (Q)ang pagtubos sa ating katawan.
24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?
25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.
26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: (R)sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't (S)ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;
27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang (T)namamagitan dahil sa mga banal (U)alinsunod sa kalooban ng Dios.
41 (A)Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka't kaniyang sinabi, Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit.
42 At kanilang sinabi, Hindi baga ito'y si Jesus, (B)ang anak ni Jose, na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina? paano ngang sinasabi niya, Ako'y bumabang galing sa langit?
43 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Huwag kayong mangagbulongbulungan.
44 Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y (C)magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
45 Nasusulat sa mga propeta, (D)At tuturuan silang lahat ng Dios. Ang bawa't nakarinig sa Ama, at natuto, ay lumalapit sa akin.
46 (E)Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.
47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (F)Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan.
48 (G)Ako ang tinapay ng kabuhayan.
49 Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay.
50 Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay.
51 Ako ang tinapay na buhay (H)na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at (I)ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, (J)sa ikabubuhay ng sanglibutan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978