Book of Common Prayer
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (L)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 (M)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (N)walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (O)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 (P)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 (Q)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(R)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (S)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(T)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (U)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(V)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (W)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (X)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (Y)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (Z)ako'y iyong lingkod.
Itinangis ni Jeremias ang pagsubok sa kaniya.
7 Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: (A)ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin.
8 Sapagka't kung paano kadalas nagsasalita ako, humihiyaw ako; (B)humihiyaw ako, Pangdadahas at paninira; sapagka't ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin, at kadustaan, lahat ng araw.
9 At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na (C)wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.
10 Sapagka't aking narinig (D)ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa lahat ng dako. Kayo'y mangagsumbong, at aming isusumbong siya, sabi ng (E)lahat ng mga kasamasama kong kaibigan, na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak; marahil siya'y mahihikayat, at tayo'y mangananaig laban sa kaniya, at tayo'y mangakagaganti sa kaniya.
11 Nguni't ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot: kaya't ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod, at sila'y hindi mangananaig; sila'y lubhang mangapapahiya, sapagka't sila'y hindi nagsisigawang may karunungan, ng (F)walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan.
14 Kaya, mga minamahal ko, (A)magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.
15 Ako'y nagsasalitang tulad (B)sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko.
16 Ang saro ng pagpapala (C)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?
17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, (D)iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.
27 (A)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Datapuwa't (B)siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
30 Dahil dito'y marami sa inyo ang (C)mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang (D)nangatutulog.
31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay (E)pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
17 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; (A)at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; (B)luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
2 Gaya ng ibinigay mo (C)sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan (D)ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang (E)Dios na tunay, (F)at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
4 Niluwalhati (G)kita sa lupa, (H)pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
5 At ngayon, Ama, (I)luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang (J)aking tinamo sa iyo (K)bago ang sanglibutan ay naging gayon.
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao (L)na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at (M)tinupad nila ang iyong salita.
7 Ngayon ay (N)nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:
8 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
9 (O)Idinadalangin ko sila: (P)hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; (Q)sapagka't sila'y iyo:
10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.
11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, (R)upang sila'y maging isa, (S)na gaya naman natin.
12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at (T)isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi (U)ang anak ng kapahamakan; (V)upang matupad ang kasulatan.
13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng (W)aking kagalakang ganap sa kanila rin.
14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: (X)at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila (Y)mula sa masama.
16 Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
17 (Z)Pakabanalin mo sila (AA)sa katotohanan: (AB)ang salita mo'y katotohanan.
18 Kung paanong (AC)ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
19 At dahil sa kanila'y (AD)pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
21 Upang silang lahat ay maging (AE)isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, (AF)na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
22 At (AG)ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo (AH)ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, (AI)upang sila'y malubos sa pagkakaisa; (AJ)upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
24 Ama, (AK)yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, (AL)upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig (AM)bago natatag ang sanglibutan.
25 Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;
26 At ipinakilala ko sa kanila ang (AN)iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig (AO)na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978