Book of Common Prayer
Awit, Salmo ni Asaph.
83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
2 Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
3 Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
4 Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
5 Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
6 (E)Ang mga tolda ng Edom at ng mga (F)Ismaelita;
Ang Moab at ang mga (G)Agareno;
7 Ang (H)Gebal, at ang Ammon, at ang (I)Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
8 Pati ng (J)Asiria ay nalalakip sa kanila;
(K)Kanilang tinulungan ang (L)mga anak ni Lot.
9 Gumawa ka sa kanila ng gaya (M)sa Madianita;
Gaya (N)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (O)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (P)Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya (Q)ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni (R)Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, (S)Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 (T)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(U)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (V)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (W)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (X)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.
IKALAWANG AKLAT
Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.
42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 (B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
3 Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 (J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 (M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9 Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Panalangin sa pagliligtas.
43 Hatulan mo ako, (T)Oh Dios, at (U)ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:
Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
2 Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako (V)itinakuwil?
(W)Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
3 (X)Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:
Dalhin nawa nila ako sa (Y)iyong banal na bundok.
At sa iyong mga tabernakulo.
4 Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,
Sa Dios na aking malabis na kagalakan:
At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
5 (Z)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
2 (B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3 Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4 (D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5 (E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
6 Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
7 Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
8 (F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
Dalangin ni David.
86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (O)ako'y dukha at mapagkailangan.
2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; (P)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 (Q)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(R)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (S)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 (T)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 (U)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (V)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 (W)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(X)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (Y)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (Z)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (AA)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (AB)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (AC)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (AD)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (AE)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (AF)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.
11 Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, (A)Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang (B)mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit.
12 (C)Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:
13 Pagka siya'y naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang (D)ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siya'y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan.
14 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay (E)kabulaanan, at (F)hindi humihinga ang mga yaon.
15 Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol.
16 Ang (G)bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang (H)may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana (I)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
17 Iyong pulutin ang (J)iyong mga kalakal mula sa lupain, Oh ikaw na nakukubkob.
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito, at aking pahihirapan sila (K)upang sila'y makaramdam.
19 Sa aba ko, (L)dahil sa aking sugat! ang aking sugat ay malubha: nguni't aking sinabi, Tunay na ito ay aking hirap, at (M)aking marapat na tiisin.
20 Ang aking tolda ay nagiba, (N)at lahat ng panali ko ay nangapatid; iniwan ako ng aking mga anak, at sila'y wala na: wala nang magtayo pa ng aking tolda, at magtaas ng aking mga tabing.
21 Sapagka't ang mga pastor ay naging tampalasan, at hindi nagsisangguni sa Panginoon: kaya't hindi sila magsisiginhawa, at lahat nilang kawan ay nangalat.
22 Ang tinig ng mga (O)balita, narito, dumarating, at malaking kagulo mula (P)sa lupaing hilagaan, upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda, at tahanan ng mga chakal.
23 Oh Panginoon, talastas ko (Q)na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.
24 Oh Panginoon, sawayin mo ako, (R)nguni't sa pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala.
12 Kaya, (A)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (B)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—
13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (C)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.
14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (D)na siyang anyo niyaong darating.
15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.
16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.
17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (E)sa lahat ng mga tao sa (F)ikaaaring-ganap ng buhay.
19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
20 At bukod sa rito ay pumasok (G)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (H)nanaganang lubha ang biyaya:
21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (I)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (J)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.
21 Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at (A)ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
22 Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y (B)magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
23 At sa kanila'y kaniyang sinabi, (C)Kayo'y mga taga ibaba; (D)ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; (E)ako'y hindi taga sanglibutang ito.
24 Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
25 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una.
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man (F)ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
27 Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.
28 Sinabi nga ni Jesus, (G)Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at (H)wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, (I)ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; (J)hindi niya ako binayaang nagiisa; (K)sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.
30 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay (L)maraming nagsisampalataya sa kaniya.
31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;
32 At inyong makikilala (M)ang katotohanan, at (N)ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978